Chapter 42: The Player's wedding

1.7M 41.8K 12.6K
                                    

Candice's Point of View

"NGAYON NA BA talaga 'yong wedding ni Marky? Ang bilis ng panahon," tanong ni Tyler habang gumagawa ako ng reports para sa kaniya. Medyo close na kami to the point na kaya na niya akong guluhin habang nagta-trabaho ako. Ayaw na niyang ituring ko siyang boss. "Nando'n ba si Tiffany mamaya?"

Natawa ako. I know he still cares for her.

"Bakit hindi ikaw ang magtanong niyan sa kaniya?" nakangiti kong sabi. Tiningnan ko siya at as usual, tiningnan niya ako nang masama. Masarap din naman siyang asarin paminsan minsan kahit na boss ko siya. Marunong naman kasi siyang sumakay. Ibang iba na sa monster boss na nakilala ko dati. "Gano'n ba kasama ang breakup n'yo at ayaw mo na siyang kausapin?"

Napabuntong hininga siya. "Lahat naman ata ng breakups, hindi maganda," sarkastiko niyang sabi. "She still loves that man. I know. I accepted that. I love her and I don't want to be a burden to her, so I let her go. I just want her to be happy, you know that. It's just that it feels awkward talking to her again like nothing happened."

"You can still be friends with her. Just talk to her!" protesta ko. "It's been a year, seriously."

"Well then, set me up on a date with her. What do you say, Mrs. Lopez?" Natawa na lang ulit ako sa sitwasyon nilang dalawa. "What's so funny?"

"I just realized that she can't love a married man. Maybe there's still a chance for you two? What do you think, Mr. Gomez?" pang-aasar ko.

"Tapusin mo na 'yang trabaho mo. Aattend ka pa sa kasal ni Makry." With that, bigla na lang siyang umalis. Diyan siya magaling. Changing topic tapos mag wa-walk out siya. Talking about Tyler Gomez. Well, I'm still hoping na magkakabalikan pa sila.

Tinapos ko na lahat ng report ko at saka ako nag-drivepauwi.

Tama naman yata ako. Hindi na pwedeng mahalin ni Tiffany si Troy dahil may asawa na siya at alam kong hindi gano'n kababa si Tiffany para bumalik sa kaniya lalo na't may pamilya na rin si Troy.

I just want her to settle down with Tyler. I can't think of any another man who can truly love her aside from my monster boss turned sweet lover, Tyler Gomez. Yes, they have chemistry, I think. Those freaking sparks.

Pero hanggang gano'n na lang ba lahat? Hanggang sparks na lang?

Bumusina ako sa bahay at pinagbuksan ako ng mag-ama ko. Hindi ba ang sarap umuwi sa bahay mo na may sasalubong sa 'yong ganito? Isang sweet na asawa at isang cute na cute na makulit na baby.

"Hi mumm-ma," sabi ni Jeydon. Ginagaya niya 'yong pagsasalita ni Dwayne. "We miss you, can we get a kiss?" pilyo niyang tanong. Hindi ko alam kung bakit pero tumawa si Dwayne. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi niya. Sa matataba niyang pisngi. "Woah, paano si taaa-tay?" dagdag ni Jeydon.

"Dahil pilyo si Tatay, wala siyang kiss. 'Di ba, baby?" Tumawa ulit si Dwayne at mas malakas 'yon kaysa kanina. "That's my boy."

"Mumm-ma! Taas-tay! Deee-dee!" Natawa kami ni Jeydon. "Deee-dee!"

Sinong hindi matutuwa sa kaniya? Seriously, he's a walking stress reliever.

"Magbibihis muna si Mommy, Dwayne. Dede tayo mamaya kay Mommy mo," nakangisi niyang sabi. Nakaramdam agad ako ng pang-aasar do'n kaya sinamaan ko agad siya ng tingin. Double meaning ah. "Pero pagod si Mommy kaya mag-bottled milk ka na lang muna."

"Yah! Taaa-tay! Dee-dee!" Nagkatingin kami ni Jeydon at natawa na naman ulit kami. Ganyan ang isa sa mga ginagawa ni Dwayne sa amin, ang pasayahin kami. Oo, mahirap pero masarap talaga maging magulang. 'Yong saya na hindi mapapalitan ng pera. Priceless, ika nga. 'Yong tingnan mo lang 'yong anak mo nawawala na lahat ng pagod mo. May magic nga ata talaga sila.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon