LXIII

1.6K 147 36
                                    


ABELAINE TRINIDAD

Inis na napapadyak ako ng paa dito sa sofa. Kanina pa ko paikot-ikot dito. At hanggang ngayon, hindi parin ako makahanap ng magandang pwesto.

Anong oras na ba? Tulog na kaya si Sela? Sana naman tulog na siya, para pagtaas ko do'n wala na kong poproblemahin pa.

Marahas na napabuntong hininga na lang ako at inis na bumangon. Dumeretso agad ako sa kusina para maghanap ng makukutkot.

Ang boring ee. Feeling ko mabibingi ako sa sobrang katahimikan.

"Wala kabang balak matulog Abelaine?"

Napapitlag naman ako dahil sa gulat. Napahawak pa nga ako sa dibdib ko. Sino ba namang hindi magugulat sa kanya? Ang laki-laki ng boses niya. Akala ko kung sinong engkanto na.

"Daddy naman. Papatayin mo ba 'ko sa gulat?" napapalatak pa ko.

Pero ang magaling kong ama, tinawanan lang ako. "Para kang ligaw na pusa na naghahanap ng pagkain dyan."

Umismid ako. Grabe naman sa pusa. Ang cute ko namang pusa. Hmp. "Bakit ba nandito ka pa?"

Nakasunod lang naman ang tingin ko sa kanya habang kumukuha siya ng isang beer sa ref.

"Can't sleep." simpleng tugon ko.

Bahagya lang siyang ngumisi sa'kin saka tinungga 'yong beer niya. "Talaga ba? O baka naman, hinihintay mong makatulog ang asawa mo bago ka tumaas sa kwarto mo?" malaki ang pagkakangising sagot niya sa'kin.

Biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa narinig. Para ring sinilihan ang puwit ko dito dahil hindi ako mapakali.

Teka lang naman kasi, kinilig ako.

"Ay nakalimutan ko, hindi pa pala kayo nagbabalikan." pagbawi niya. "At hindi mo pa siya asawa."

Pabirong binato ko sa kanya itong potholder na nakuha ko, pero ang tatay kong ito, ang lakas ng tawa ngayon. Nag-eenjoy ata siyang asarin ako.

"Mana ka talaga sa mommy mo." he laughed and shooked his head. "Pikon."

I pout. "Daddy naman."

Tinawanan lang naman niya ko ulit bago muling sumimsim sa inumin niya. "Noong nalaman namin ng mommy mo na buntis siya sayo, pinagdasal ko na sana lalaki ka." he started. "Hindi naman ako nabigo, parang lalaki kana rin ee." natatawang dagdag niya.

Miski ako, napatawa. Kaso napakamot ako sa ilong ko. Medyo ang weird lang.

"Paano mo natanggap dad?" I asked him. "Ako. Itong totoong ako."

Malamlam ang matang tinitigan niya ko. Ngumiti rin siya sa'kin ng matamis na bagay na minsan niya lang ipakita sa'min dahil tanging kay mommy niya lang pinapakita.

"Why not? Wala akong nakikitang dahilan para hindi ka tanggapin. You're still my daughter. Walang magbabago do'n." he sincerely said.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon