Chapter Thirty

8.5K 314 39
                                    

Banana


6 am.

Ganito pa lang kaaga ng maisipan kong bumaba ng kusina. Nakitulog ako sa k'warto ni Amanda kaninang madaling araw pero hindi naman ako nakatulog ng maayos. Kahit pa man may ibang k'warto pa na p'wedeng tulugan dito ay nakisiksik pa ako sa k'warto ng mga kaibigan ko.

Gusto ko pa nga sanang makihiga kila Victoria kaninang madaling araw pero kasama kasi niya sila Mrs. Jade doon. Paniguradong tulog pa ang mga iyon dahil maaga pa at late na silang natulog. Sigurado ring pag nagising sila Galaxy at Ate Sherez ay magigising na sila lahat.

Hindi pa tapos ang selebrasyon ng kaarawan ni Ate Sherez.

Nang nakarating ng kusina ay naabutan ko ang kaibigan ko roon.

"Alex?" Nakita ko si Alex na tahimik na nakaharap sa laptop niya. Nag angat siya ng tingin bago ito kumaway at pinapalapit ako sa kaniya. Nagtatrabaho ba ito? "Good morning."

"Good morning, Ban." Ngumiti naman ito sa akin. "Hey, Ell. I'm with Banana." Nagtataka akong tumingin sa screen ng laptop niya pagkaupo ko sa tabi niya. Kausap na naman pala niya si Elliot.

"Good morning, Boss. I am about to call you after this. Buti at nandiyan ka na." Mas lalo akong nagtaka sa sinabi nito. Tumango lang din si Alex sa akin bago tumayo. Akala ko ay aalis siya pero kumuha lang pala siya ng tasa.

"Coffee?" Ngumiti ako at tumango. Hindi lang ang kape ni Ate Toni ang masarap kundi pati na rin ang timpla ni Alex.

"May problema ba, Elliot?" Tumango ito kaya napakunot ako ng noo. Sure akong nasa sala na naman siya nakaupo habang nakaharap sa mga laptop niya. Video call kasi kaya nakikita ko rin siya. "Nandito ka naman kagabi pero bakit hindi mo pa sinabi?"

Galing siya rito kagabi at nakita ng lahat kung paano tutukan ni Alicia ang lalaking ito ng baril niya. Nalagot din naman sa akin si Elliot pero may kasalanan din si Alicia. Hindi ko pa nakakausap ang babaeng 'yon.

"Dahil wala pa naman ang impormasyon na 'to kagabi. Gusto kong itanong kung may alam ka ba about sa past ni Victoria?" Napatingin ako kay Alex. Tumingin din ito sa akin na may pagtataka. Umiling ako sa kaniya bago tumingin ulit sa screen ng laptop.

Bakit naman kailangan niyang itanong sa akin ang past ni Victoria?

"Elliot, hindi ako sigurado sa nalalaman ko tungkol dito. Why? May kinalaman ba ito sa lalaking nandiyan sa chamber mo? Iyong nakahiwalay?" Tumango siya. Napabuntong hininga ako dahil dito. Nanghuhula lang ako pero bakit naman may kinalaman talaga? "Ibig sabihin ay may kinalaman ang lalaking iyon tungkol sa nakaraan ni Victoria?" Tumango ulit siya. "Nanghuhula lang ako pero bakit puro tama?"

"Ayaw mo no'n? Meron ka ng alam agad. Napagsalita mo, Elliot?" Sabat ni Alex na naupo na ulit sa tabi ko bago ibinaba ang timpla niyang kape at binigay sa akin.

"Syempre kailangan niyang magsalita. Nagsalita rin naman siya pagkatapos marinig ang Crescencio. Natakot nga ata dahil do'n. And yes, may sinasabi siya about sa past ni Victoria. I think gusto nilang pagbayarin 'yang babae mo sa nangyari sa kapatid niyang lalaki. Gaya na rin ng sabi niya." Kung hindi ako nagkakamali, baka itong lalaki na kapatid niya na tinutukoy ay iyon din ang sinabi ni Vic na nagpakamatay sa korte pagkatapos maguilty sa ginawa niya.

Ibig sabihin ay kapatid ng lalaking 'yon ang Tatay ni Ashlyn?

Pero ayon nga ba? Paano kung mali ako ng iniisip? Lalo na't wala naman akong alam sa nakaraan ni Victoria. Kung tatanuning ko siya ay paniguradong hindi siya magsasalita.

Talaga nga namang ginamit pa ni Elliot ang pangalan ko para lang magsalita ang mokong na iyon. At dahil sa napagsalita niya, mukhang may alam siya sa Crescencio. Hindi nakakapagtaka dahil matunog naman talaga ang apelyido namin.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon