Kabanata 33

12.2K 406 41
                                    

Kabanata 33

Hindi ko pa rin kinikibo si Konsi kinabukasan. Inayos ko na agad ang mga gamit namin at alam kong may kailangan siyang asikasuhin para sa kampanya.

Natapos na rin kaming mag-umagahan. Kausap lang ngayon ni Konsi ang Papa niya at kukunin si Cassia.

"Hija, pati ba kayo ay uuwi na rin?" Tanong sa akin ni Tita Elen.

"Opo, ti—Ma, sabay na kami kay Konsi." Ngumiti ako sa kaniya.

"Ikaw talaga masanay ka nang, Mama ang itawag sa akin." Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang buhok ko.

"When Casi wins the candidacy, will you still call him Konsi?" Nakangiting tanong ni Tita Elen.

"Hindi ko pa rin po sure. Pero mas cute kasi pakinggan ang Konsi kaysa sa Mayor." Natatawa ring sagot ko.

"O kaya Yorme." Nagtawanan kaming pareho sa sinabi ko.

"You're such a cute couple." Komento niya na niyakap pa ako.

"I am happy to have another daughter in the family. Kapag nag-asawa ang lahat ng anak kong lalaki, dadami na ang anak kong babae." Lumayo siya sa akin at inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa tainga.

"Hindi na lang si Rima ang anak ko." Umikot ang mata niya sa pagbanggit kay Rima. Natawa tuloy ako.

"Mag-aasawa rin po si Rima. Madadagdagan pa kayo ng isang lalaking anak."

"Oh, please not yet! Isip bata pa 'yang si Rima." Napatutop pa si Tita sa kaniyang noo.

"Ang aga-aga pinag-chichismisan niyo na ako." Napalingon kami pareho nang marinig ang mataray na boses nitong si Rima.

"Aria, uuwi na kayo agad?" Tanong niya sa akin.

"Yes, kailangan na kasi umuwi." Tugon ko na kinuha ang backpack sa ibabaw ng lamesa.

"Bisita ako sa inyo next week." Sabi ni Rima nang makalapit. Nakipagbeso na rin siya sa akin.

"Sino pa ang nandito 'Ma?" Tinaasan ng kilay ni Tita si Rima.

"Makatanong ka wala kang pag-po. Tinawag mo pa akong Ma." Nakapamewang na si Tita.

"Ma naman! Ang tanda ko na, may pag-po pa!" Angil ni Rima.

"Umuwi na po ba ang mga kuya ko po?" Parang batang ulit ni Rima sa tanong niya.

"Paalis na itong dalawa. Si Kuya Caleb at Kuya Rod mo nasa dining room kasama si Mavi." Sagot ni Tita na ibinaba na ang mga kamay.

"Let's go." Napabaling kami nang marinig ang tinig na iyon ni Konsi.

"Maaaa..." malakas na tili ni Cassia.

"Hi, baby! Do you Miss Mama?" Tanong ko sa kaniya. Mama na talaga ang tawag niya sa akin.

Nagkukumawag siya para buhatin ko. "I missed you too." Pinupog ko siya ng halik sa pisngi at sa leeg.

"Say, bye-bye na to Tita Ganda and Mamala." Wi-nave ko pa ang kamay niya.

"Bah..." sabi ni Cassia na sinusubukan bigkasin ang bye.

Inilagay ko na sa likod nang sasakyan ang bag at iniupo si Cassia sa car seat niya. Umupo na ako sa passenger seat. Si Konsi ang magda-drive nakasunod lang sa amin ang sasakyan nina Caloy. Maaga silang pumunta rito ngayon.

Tahimik kami buong byahe. Walang umiimik. Ayokong umpisahan ang usapan.

Hindi naman sa pride, pero inaantay ko na siya ang mag-open up.

Malalalim na buntong hininga ang narinig ko. Kaya ang nangyari ay parang nagsasagutan kami ng mga buntong hininga.

"Hey baby, how are you there?" Binaling ko ang atensyon ko kay Cassia. Nasanay na akong kausapin ang batang ito ng English.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon