. . . ⇢ 051 ˎˊ˗

230 19 4
                                    

━━ jake's.

"wala ka bang gagawin kundi titigan siya? kung ako siguro 'yong tinititigan mo for sure mangingilabot ako sa'yo- aray!"

"shut up, sunghoon."

i saw him frowned, hindi ko na lang siya pinansin.

nasa cafeteria kami ngayon dahil lunch break. kinagat ko ang burger ko saka muling tumingin sa kanya. hindi ko na namalayang ngumingiti na pala ako matapos siyang makitang nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya.

but my smile fell when i saw the guy approached her. nandilim ang aura ko nang makitang siyang hinalikan ng lalaki sa pisngi. nararamdaman ko ang sarili ko na nanginginig sa galit dahil sa aking nakita.

napalingon ako kay sunghoon nang kulbitin niya 'ko. sinamaan ko siya ng tingin pero tinuro niya lang ang burger na nasa kamay ko na umaapaw na ang sauce dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko.

doon ako nabalik sa aking katinuan.

inilapag ko sa plato ang burger at kinuha ang wet tissues saka pinunasan ang kamay kong may sauce, pinunasan ko na rin ang lamesa kung saan natapon ang ibang sauce.

"ayos ka lang lods?"

i looked away when i heard sunghoon. tumango lang ako at pasimpleng tumingin sa kanya, doon ay nakita ko siyang nakasandal sa balikat ng lalaki at masaya pa ring nakikipagkwentuhan sa mga kasama nito.

hindi ko na napigilan at agad tumayo na siyang ikinagulat ni sunghoon, nagsimulang maglakad paalis. nakasalubong ko pa sila heeseung at jay na mukhang papunta pa lang sa cafeteria pero hindi ko na sila pinansin pa.

fvck this feelings.

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon