Chapter 7

24 9 18
                                    

"War? You mean someone might attack the Magus Empire for the next few days?" I elaborated. Inaasahang random question lang iyon at hindi totoong mangyayari. 

How the hell would I survive to that kind of situation? Oh come on, he's just joking right? 

"Likewise. Magus Empire might attack the Kreios Empire for the following days. Kaya tinatanong kita kung kaya mo bang makaligtas sa oras na mangyari iyon. Baka hindi kita maprotektahan sa darating na laban," prangka nitong sinabi sabay lingon sa akin. 

Dagli akong nag-iwas ng tingin at muling bumaling sa bughaw na kalangitan. Naiintindihan kong kaligtasan ng mga magian ang kaniyang uunahin dahil sino nga ba ako? Hindi niya naman ako kauri. 

Pinigil kong bumuntonghininga. I don't want him to feel any guilt because of me. Kakayanin ko naman siguro. Tama. Nasa akin nga pala ang makapangarihang kwintas na iyon. I am the holder of the precious stone. 

Nga lang, hindi ko alam kung paano ko gagamitin ang isang iyon. Wala namang kakaibang nangyari sa 'kin simula no'ng mapadpad ako rito. Walang kahit na anong magic ang kusang lumabas sa akin maliban doon sa itinuro ni Lorcan sa akin no'ng training. 

Bumaling muli ako kay Lorcan at wala na ang titig nito sa akin. Kinatitigan kong mabuti ang seryoso niyang mukha, parang ang isip niya ay naglalakbay na patungo sa digmaan na sinasabi niya. 

Nawala lamang ang titig ko sa kaniya nang may bagay na bigla na lamang sumagi sa utak ko. 

Kreios Empire? Iyon ba ang magiging kalaban ng emperyo ng Magus? Parang familiar sa akin ang Kreios na tinutukoy niya, hindi ko lang matandaan kung saan ko nga ba ito narinig o nabasa.

"Ano ba kasing nangyayari? Bakit bigla-bigla na lang ang pagdedeklara ng digmaan? Ano bang meron sa Kreios empire? Masasama ba sila?" 

Hindi ko na napigilang magpaulan ng mga tanong. Bumangon na rin ako at naupo para lang malingon ko siya ng maayos. Gusto kong malaman lahat ng kasagutan sa mga tanong kong iyon. Gusto kong makaligtas. Gusto kong lumaban para mabuhay ako. Gusto kong gamitin ang kwintas na naglalaman ng kapangyarihan ni Haizea upang mailigtas ang emperyong itinuturing niyang yaman, ang Magus Empire. 

"Matagal na panahon na ang lumipas nang may maganap na digmaan sa pagitan ng dalawang makapangyarihang emperyo. Natalo na sila ni Haizea noon, ang majestic warrior ng lugar na ito. Ngayon, bumalik na naman sila sa hindi malamang dahilan. Naguguluhan pa rin ako sa tunay nilang pakay sa emperyong ito. Something is wrong at kailangan kong malaman kung ano iyon," aniya pa habang ang isang kamay ay nakapirme sa kaniyang baba, kuryoso. 

I closed my eyes. Parang nahawa na rin ako sa pagiging kuryoso nito. Ano nga ba talaga ang mapapala ng Kreios Empire sa digmaang ginusto nila? Kaya ba sila nagbalik ay dahil wala na si Haizea na nakatalo sa kanila noon? Iyon nga lang ba ang tanging dahilan?

"Sa ibang lugar, marami rin ang nagkakandarapa makuha lang iyan."

Naalala ko ang kwintas. Hindi kaya…

**

"Lorcan!" humahangos na sigaw ko nang sobrang layo na ng agwat niya sa akin.

Sa wakas ay napilit ko rin siyang maglakad na lang patungo sa bahay nito at huwag nang mag-teleport. Alam kong delikado nang gawin niya iyon dahil sa kalagayan nito at isa pa ay natatakot din akong mapunta kami sa ibang lugar katulad ng nangyari kanina.

Kapagkuwan ay nilingon ako nito. Nakabusangot na ang mukha dahil kanina pa ganito ang eksena naming dalawa. Hindi ko alam kung masiyado bang malaki ang hakbang niya o mabilis lang talaga siyang maglakad dahil hindi ko siya maabutan. 

NEXUS SERIES #2: Holder of the Precious Stone Donde viven las historias. Descúbrelo ahora