Chapter Thirty one

7.6K 311 61
                                    

Victoria


Jade is busy dancing her ass of habang hawak ang bote ng isang alak. Galaxy on the other hand is singing and enjoying every lyric of the song. Pero mas kapansin-pansin talaga si Jade at naiiling ako sa kabaliwang ginagawa niya sa harapan namin ngayon. Lalo na sa harapan ni Alicia na nandito rin kasama namin.

As for Sherez's girlfriend, umuwi siya pabalik ng Manila because her Mom is in the hospital. Kaya rin dali-dali siyang umalis kahit gustong sumama ni Sherez dito. Hindi na nga nakapagpaalam si Lian sa iba naming mga kasama na nandito.

"Jade, I have a question! Kung papipiliin ka, mamamatay o ikaw ang papatay?" Weird na tanong ni Hydra habang hawak na naman ang isang lata ng beer. I often see her with liquor. Mahilig ba ito sa alak or does she just want to drown herself with alcohol dahil may problema siya?

"Of course, ang pumatay. Hindi ko naman hahayan na mamatay agad e hindi ko pa nakukuha si Alicia." I facepalm. This girl. Sobrang in love ata talaga kay Ali. Napansin ko ang pag iling ni Ali at tinalikuran kaming lahat. Ngumisi lang naman sa akin si Jade.

"Jade, that's creepy," I commented.

"I just answered Hydra's question, Victoria." At talagang tinawanan pa ako nito.

Hinayaan ko na lang siya because I know na wala na akong magagawa pa rito. She resumes dancing and was in sync with Galaxy's song.

Until we all heard a shouted sa isa naming kasama.

"Tara na sa may bonfire! Ayos na daw. Tara na!" Nag unahan naman silang lumapit sa lugar nila Alex kung nasaan ang bonfire na sinasabi nila. Sumunod lang ako sa kanila at umupo na rin sa paikot nito.

Bonfire.

As moments pass feels like my soul want to hide somewhere. Nagsimulang tumayo ang nga balahibo ko when they started to talk and start with a game.

We come up with a game that someone will tell something about themselves. Secrets or a story to be told. This game started dahil sa kaibigan nila Banana. Speaking of her, katabi ko siya ngayon habang nakapalibot kami sa apoy na ginawa nila.

As I remember that I discovered a while ago na allergic si Banana sa seafood. Napapansin ko rin ang pagtulong ng mga kaibigan ni Banana kay Jade maski sa akin na mapalapit kay Banana at Alicia. They are giving tips and clues about sa pagkatao nila.

But then, tuluyan na akong kinain ng pagtataka tungkol sa apelyido ni Banana. They even mentioned that her surname is too much to handle. So, what is that mean then?

I sighed, hawak ng mahigpit ang kumot na binalot ko sa sarili ko na inabot sa akin kanina before the game started dahil kahit mainit ang hatid ng apoy ay malamig pa rin ang ihip ng hangin na lumalapat sa balat namin.

This night will hold a lot of unknown reasons behind someone's past and secrets.

Secrets.

Some secrets now unfold. From Chabelita who is adopted. Carlo who is gay na muntik ng ma-disown ng sariling Daddy. Si Carli na nawalan ng unang baby which is surprising, to Leo about his past na may kinalaman sa baril at sa Daddy niya kaya siya takot dito. Those circle of friends has many secrets that they are hiding. To be honest, I am surprised kasi magkakaibigan sila but they didn't know those secrets.

Kahit si Summer and Sherez ay meron ding sinabi na hindi namin alam. I guess we are safe with some privacy in our life sometimes.

Natatakot ako. To be honest 'yan talaga ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung tama bang narito ako ngayon. I didn't know that this night will end up like this.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon