Chapter 70

2.1K 157 15
                                    


Marahan kong idinilat ang aking mga mata. Kisame ng kuwarto namin ni Otis ang unang bumungad sa akin. Wait, wala na ako sa bulwagan kung saan ginaganap ang pagpupulong? Biglang umiba ang pakiramdam ko nang magtanong ako sa mga tagapag-alaga nina Calevi. Bigla nalang ako nahilo. Sandali, kinakailangan kong bumalik doon at hindi ko maaari palagpasin ang bawat topic na pinag-uusapan nila!

Mabilis akong bumangon mula sa pagkahiga. Natigilan lang ako nang may naramdaman ako sa aking gilid. Iginalaw ko ang aking ulo para malaman kung ano 'yon. Kusang umawang ang aking bibig nang makita ko ang mukha ni Otis. Nakatagilid siya ng higa at nakaharap sa akin. Ginawa niyang unan ang kaniyang braso kahit na may unan naman talaga siya. Mahimbing ang kaniyang tulog. Lumihis ang tingin ko sa balkonahe, nakita ko na gabi na. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata, ibig sabihin, tapos na ang pagpupulong kanina? Mahaba ang itinulog ko?

Iginala ko pa ang aking paningin sa paligid. Wala ni bakas ng mga tagapagsilbi. Tanging kami lang ni Otis ang naririto sa silid. Nakaramdam ako ng panghihinayang. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit bumigay ako nang wala sa oras. Kung maaari lang sana ay nakausap ko pa ang mga Eryndor.

"My rose?"

Agad ko nilingunan ang aking gilid kung nasaan si Otis. Nagising ko ba siya? Tahimik ko siyang pinapanood habang siya't nabangon. Mas tumabi pa siya sa akin. "Otis..." mahina kong tawag sa kaniyang pangalan. "Anong nangyari? Anong balita sa pagpupulong? May naisip na ba kayong paraan para iligtas si Calevi?" sunud-sunod kong tanong.

Marahan siyang umiling. "Naputol ang pagpupulong nang hinimatay ka, my rose." masuyo niyang inabot ang isa kong kamay. "Nalaman din namin kung bakit ka hinimatay ay dahil nagdadalang tao ka na.... Dala mo na ang magiging anak natin."

Nanigas ako sa posisyon ko. Wait, tama ba ang narinig ko? Buntis ako? Awtomatiko kong ibinaba ang aking tingin sa aking tyan. Idinapo ko ang isa kong palad doon. "M-magkakaanak na tayo, my rose?" halos wala na ako sa sarili nang tanungin ko 'yon.

Masuyo rin niyang idinapo ang isang palad niya sa aking pisngi. Iginalaw niya ito para magtama ang aming mga mata. Bakas sa mukha niya ang kaligayahan. "Oo, my rose. Dala mo na ang bunga ng pagmamahalan natin. Ang dala mo na ang isa sa kayaman ko na walang hihigit man sa mundo na ito." idinikit niya ang noo niya sa akin. "Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinasaya nang marinig ko ang magandang balita na ito."

Marahan kong pumikit. "Hindi ako makapaniwala... Na mabibigyan kita ng anak. Sa loob ng mahigit tatlong buwan buhat nang ikinasal tayo, ang buong akala ko ay bigo ko magagawa ang tungkulin ko bilang asawa mo, Otis." mahina kong sambit.

"Pero naisakatuparan mo na ang mga hiling ko, Rini." anas niya.

"Subalit, gusto ko pa rin sanang sumali sa pagliligtas kay Calevi, Otis." may halong pangamba nang sambitin ko 'yon. "Ngunit ayaw ko rin mapahamak ang anak natin..."

"Iyan din ang ipinag-aalala ko, my rose."

"Otis..."

"Nag-iisip din ako ng paraan upang mailigtas siya nang hindi ka napapahamak." inilayo niya ang kaniyang mukha sa akin. Hinaplos niiya ang aking buhok. "Pareho nating malapit na kaibigan si Calevi, alam kong gagawan ka pa rin ng paraan upang mailigtas mo siya. Ayoko ring isugal ang kapakanan mo at ng magiging anak natin... At ayoko din maranasan kung ano ang naranasan ng aking ama."

Tumahimik ako. Ramdam ko ang pinaghalong sakit at kalungkutan nang marinig ko ang huling pangungusap na kaniyang binitawan. Di kalaunan ay ngumiti ako. Ikinulong ng mga palad ko ang kaniyang mukha. "Ganito nalang, mag-iisip din ako ng magandang plano, sisikapin kong hindi makipaglaban... Sa gayon ay hindi ka mag-alala..." malumanay kong sambit, may halong pag-iingat.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon