Chapter 72

2K 135 10
                                    

# CHAPTER72

Pagsapit ng gabi ay tuluyan na akong naging kalmado. Kahit papano ay nasink in ko na lahat ng mga rebelasyon na nalaman ko sa kanila. Sa kabila ng lahat, pakiramdam ko ay mas gumaan na ang aking pakiramdam. Pakiramdam ko din ay nabuo na ang aking pagkatao. At higit sa lahat, wala akong naramdaman na galit para sa kanila. Malaki na rin pagpapasalamat ko dahil nasabi na nila sa akin ang lahat. Wala nang paglilihim pa. Tuluyan nang nabuo ang palaisipan sa aking pagkatao. Kita ko din kung papaano sila nasiyahan sa ipinakita ko sa kanila. Normal lang, parang tulad pa rin ng dati. Kahit kina Ceca, Frostine at sa iba pang Diyos at Diyosa ng iba't ibang Imperyo.

Mabuti nalang ay hindi pa umaalis ang lahat dahil habang nagpapakalma ako ay patuloy pa rin ang tumatakbo sa aking isipan kung papaano namin ililigtas si Calevi. Okay, ako na ang multi tasker.

Maingay ang paligid habang nasa hapag kami. Hindi rin maiwasan na nag-aaway sina Ceca at Frostine. Nag-aaway sila dahil sa pagkain. Agad namin sila inawat ni Otis, sa kabutihang palad at nagpaawat naman ang dalawa. Ipagpapatuloy ko sana ang pagkain nang bumaling ako kay Vencel na tahimik na nakain kahit na maingay siyang dinadaldal ni Emperador Kron sa kaniyang tabi.

"Papa?" tawag ko sa kaniya.

Agad siyang tumingin sa akin. Umaliwalas ang kaniyang mukha. "Ano 'yon, aking bunso?"

Ngumiti ako. "Gusto ko lang po malaman, ang sabi ninyo kasi sa akin apat ang diyos at diyosa na tinitingala sa Cyan. Nasaan pala ag tatlo pa? Bakit hindi sila nagpapakita sa atin?" diretsahan kong tanong.

Natigilan sila sa aking tanong. Okay, another big deal na naman ba?

Tumikhim siya saka tumingin sa akin ng diretso. "Ang totoo niyan ay wala na sa Cyan ang tatlo pang diyos at diyosa, Rini." sagot niya. Medyo kumunot ang noo ko sa isinagot niya. "Nagkalat na sila sa ilang parte ng mundo. Simula noong namatay na ang 'yong ina ay hindi na sila nagpakita o nagparamdam man lang. Bakit mo pala naitanong?"

Nagbuntong-hininga ako. "Nais ko sana sila makausap. Nagbabakasakali na mahingian natin sila ng tulong para mailigtas natin si Calevi at ang ama niya na si Emperador Nerius." sambit ko. "Naisip ko po kasi na malaking tulong sila para madagdagan ang pwersa natin laban sa Prerradith."

"Iisa lang ang sinabi nila bago man nila nilisan ang Cyan." pagpapatuloy pa ni Vencel. "Magpapakita din kami sa tamang panahon."

Mas kumunot ang aking noo. Magpapakita sila sa tamang panahon? Papaano? Kailan at saan? Bakit may ganoon pa? Hindi ba emergency para sa kanila kung ano ang sitwasyon na kinahaharap namin ngayon?

Humalukipkip ako saka kinagat ko ang aking kuko sa hinlalaki kong daliri. Kailangan ko ulit mag-isip ng paraan at isang taktika. Tumitig ako sa mesa na nasa aking harap. Hindi ko na rin namamalayan na naniningkit na ang aking mga mata. Gusto kong magcontribute ng tulong para sa magiging laban namin sa Prerradith.

"Bakit hindi natin kunin ang pagkakataon na sumali sa nalalapit na paligsahan?" rinig kong suhesyon ni Otis.

Mabilis akong nakatingin sa kaniya. "Paligsahan?" ulit ko pa, medyo naguguluhan. Natigilan ako saglit at unti-unti nanlalaki ang mga mata ko nang may napagtanto ako. "Teka, ang ibig mo bang sabihin...?"

Ngumiti siya saka tumango. "Tama, my rose. Ang tinutukoy kong paligsahan ay ang pagkukungwaring labanan, isa laban sa isa." ngumisi siya. "Kung hindi ako nagkakamali, bukod sa pyesta ng pangangaso, isa din ito sa inaabangan ng iba't ibang bansa sa bawat panig ng mundo."

"Eh ano naman ang magiging ugnayan nito sa laban sa Prerradith?" tanong sa kaniya ni Eomund.

"Sa tingin ko ay ako ang habol ni Prinsipe Fadil at gustung gusto niya ako makaharap. Tulad ng banggit ni Duke Arundel, nais niyang sakupin ang Thilawiel sa oras na matalo niya ako. Ngayon, ipapain ko ang sarili ko sa kaniya. Sa gayon ay palihim naman kayong papasok sa Prerradith at ililigtas ang mag-amang Levanadel na lingid sa kanilang kaalaman." aniya.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon