052 - PANIMULA

2.7K 60 13
                                    

Ang huni ng mga ibon ay maririnig mo sa unang pagpasok sa hardin ng kaharian ng Auzmelia. Nagsama-sama ang mga maharlika na kasing edad ng Prinsipe at ni Asteria. Malawak ang pinaggaganapan ng celebrasyon at puno ng saya at halakhak ang sasakop sa paligid na kay ganda.

Ngunit... Si Asteria lang ata ang nilalang na hindi nagustuhan ang pagbati sa kanila sapagkat karamihan na nadoon ay pinaplastik din siya. Natapos ng maayos ang celebrasyon at napagdesisyunan ng dalaga na komprontahin ang prinsipe tungkol sa kanilang relasyon.

Mag-isa na naghihintay ang dalaga, malayang naka lugay ang buhok nitong puti na parang perlas. Ang kulay puti nitong kasuotan ay naging patok din sa panlasa ng ibang kinakasama at pinuri din kung gaano ito kaganda tingnan. Hindi din nagtagal ay lumitaw ang gwapong Prinsipe at sinaluhan siyang umupo sa malawak na inuupuan nilang yari sa bato.

"Wala na din naman akong ginagawa aking binibini. Ano ang nais mong sabihin? Huwag matakot na ilabas ang iyong damdamin sapagkat buong puso ko itong tatanggapin." saad ng prinsipe.

"Hindi na ako magpapasikot-sikot pa. Hindi tayo itinadhana at hindi din para sa isa't-isa. Isa akong uri ng babae na lublob din sa hinahangad na magandang relasyon, gusto ko ng pag-ibig na tunay at walang halong biro." mapait na napatitig ang dalaga sa mga kamao nitong naka patong mula sa kanyang binti.

"Ako'y nananaginip na maari akong manganib sa iyong piling. Maka sarili man akong pakinggan ngunit ginoo, maari mo na ba akong pakawalan at maghiwalay tayo ng landas..." ang ninanais niya... Ay mapa walang bisa sana ang kanilang kasal. Parehas sila pwedeng tumanggi dahil respetado ng bawat pamilya ang kanilang desisyon sa buhay. Pati ang prinsipe ay nagulat sa sinabi ni Asteria pero hindi nito basta basta hahayaan na mawala sa piling ng binata ang dalaga.

"Hindi totoo ang iyong panaginip. Sa realidad, tayo ay para sa isa't isa-"

"Hindi. Tama na... Mahal na prinsipe." hinablot ni Asteria gamit ng dalawang kamay ang magkabilang pisngi ng prinsipe at madiin itong tiningnan sa mata.

"Masyado tayong pormal sa isa't isa na parang napaka layo ng distansya ng ating presensya. Tayong dalawa din ay sobrang okupado sa lahat ng oras na hahatong sa wala na tayong oras sa isa't isa. Hindi ako masaya, ikaw... At ako... Ay lalong magdudusa kung patuloy tayo magiging ganito. Ikonsidera mo sana ang aking damdamin, ayoko sayo. Ayoko dito at hindi ako nararapat na nandito." dati pa dama ni Asteria na ang kanyang magiging asawa na isang prinsipe ay matagal nang hindi sa kanya. Hindi din nito masabi kung bakit pero pag nakikita nito ang mukha ng binata ay parang sinasaksak ang kanyang puso at hindi din siya kumportable dito.

Ito ang unang beses na may babaeng may lakas loob na tanggihan ang prinsipe. Hindi din aakalain ng lalaki na ang isang tulad ni Asteria ay hindi takot magpahayag ng sariling opinion at ilabas ang totoong nararamdaman ng kanyang puso.

Nalilito, ngunit tinanong ng prinsipe tungkol sa kanyang panaginip at simpleng sumagot ang dalaga na nakapagpakilabot sa sistema ng prinsipe.

"Naramdaman ko ang talim ng gilotina na pumugot sa aking ulo habang ikaw ay may kinakasamang ibang babae. Parehas kayo na nakangiti ngunit hindi ko makita kung anong emosyon ang nakaukit sa inyong mga paningin." napahawak sa leeg si Asteria at mahina na natawa, hindi ito naniniwala sa reinkarnasyon pero ang panaginip nito ay may posibilidad na mangyari sa hinaharap.

"May pinag samahan tayo Asteria. Sigurado ka ba na hands mo akong iwan-"

"Oo. Kung ano na ang nasa nakaraan ay wala na akong pakialam doon. Nangyari na ang nangyari, ninanais ko lang problemahin ay ang panibagong araw sa kinabukasan." pinutol ng dalaga ang ibang sasabihin ng prinsipe.

"At saka isa pa... Anong klaseng pag-ibig ang pinadama mo saakin? Hindi ko ito ramdam at para lang isang lata na puno ng hangin ang nilalaman. Ang pasensya ko ay parang rosas, pag hindi mo ito inaalagaan ay may posibilidad na malanta." napabuntong hininga ito sa sarili at napagdesisyunan na tumayo. Habang papaalis na ang pigura ng dalaga ay agad siyang niyakap ng prinsipe mula sa likuran.

"Asteria... Huwag mo naman ito gawin saakin." mahinang tugon nito at hinalikan ang leeg ng dalaga.

"Iiwan kita. Gusto kitang iwanan." kumawala ito sa bibig ni Asteria. Hindi pamilyar ang ganitong klaseng salita mula sa kanyang bibig ngunit ang kanyang pakiramdam ay lalong gumagaan. Hindi man nito masaktan ang Prinsipe sa pisikal pero maidadaan niya naman ito sa sakit ng salita.

"Hindi. Akin ka lang." hinayaan lang ni Asteria ang prinsipe na lumuluha sa kanyang likuran. Nung lumuwag na ang mahigpit nitong braso na nakayakap sa kanya ay agad siyang tumakbo papaalis. Hindi niya alam kung saang lugar ang nais niyang tunguhin pero natagpuan nito ang sarili sa malaking pasukan kung saan nakita niya ang lalaki na sa tingin niya ay para sa kanya.

Yung lalaki ay may kakaibang kulay na asul na mata, moreno ang balat ngunit ang katawan ay nagkakaroon ng atraksyon sa mga tao na nakapaligid sa kanya. Ang buhok nitong maikukumpara sa tsokolate ay naka tali at may hawak itong mga bagahe na parang ipapasok na nito ang kagamitan sa karwahe.

Tinawag ni Asteria ang pangalan ng lalaki.

"Hoy." gulat na napalingon ang binata sa gawi ni Asteria at matamis itong ngumiti saba'y bati ng - "Nailagay ko na po lahat ng regalo ng mga kinakasama mo Binibining Asteria. Maari ka nang sumakay sa isang karwahe nang mabilis ka nang makarating sa mansyon." pati ang boses nitong malalim ay parang isang kuryente na tumatakbo sa sistema ng kanyang katawan.

"Kumusta ka?" mahinhin nitong tanong.

"Maayos lang po, ikaw po?"

"Oo, sobrang maayos ako. Masarap din ang pakiramdam ko sa di maipaliwanag na dahilan." mahinhin itong napatawa.

Tuwing nagsasama sila, pakiramdam ni Asteria na sila na lang ang nilalang sa mundong ibabaw. Lahat ng nilalaman ng puso ni Asteria ay napapakinggan ng maayos ng lalaki. Sa tuwing may problema sila sa buhay ay madalas silang nagpapalitan ng salita at nagbibigay ng aral sa isa't isa.

Nang makapasok na si Asteria sa karwahe. Napansin nito na may isang pamilyar na talaarawan na nakapaibabaw sa kanyang inuupuan. Nang kinuha nito ang talaarawan at tiningnan ang bawat pahina ng papel ay napangiti ito ng todo.

Alam ni Asteria... Na lahat ng panaginip niya ay totoo.

Tungkol sa kanya na napunta sa ibang dimension, nakaranas iba't ibang emosyon at higit sa lahat... Ay nagkaroon siya ng aral sa sarili na naging parte na ng kanyang pagkatao.

Binasa nito ang huling pahina...

Dear Asteria,

I mostly ranted my feelings inside my diary. I don't know if this thing could reach towards to you. I hope you didn't take any risk on a damn revenge because there's a possibility of regrets. Aish, mahina ako sa tagalog pero ito lang ang pahina na hahaluan ko ng taglish. As you can see, ito na ang huling araw ko bilang ikaw... Kung sakali na nasa normal na takbo na tayo ng oras, ninanais ko na mahalin mo din ang lalaki na minahal ko. At dun mo makikita ang halaga ng totoong saya. Don't get married to that damned Prince, I already changed your fate to be with someone who's perfect for you.

Love,
Shania.


Sa kanyang pagkakaalam, nagsulat din siya ng ganito dun sa mundo na hindi siya pamilyar. Agad itong napa titig sa bintana ng karwahe kung saan sakop ng kanyang mata na makita ang magandang tanawin ng kanyang tinitirhan.

"Sana... Mabasa niya din ang talaarawan." nagsimula na itong umawit na sapat lang para hindi marinig ng nasa labas.

At ito... Ang kanilang buhay na magsisimula sa panibagong yugto. At sila mismo, ang magpapatuloy ng istorya hanggat sa matapos ito hanggang sa kanilang kamatayan.

Ito na... Ang payapang buhay na kanilang hinahangad.





━━━━━❘༻༺❘━━━━━

END ¦ WAKAS

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon