11: Party

1.5K 42 17
                                    

"I'll go ahead," Trevor kissed my lips and drag his self out of the airport. Hinatid niya 'ko dito at itong si Mika naman na nasa tabi ko ay abot ang tili.


"Ang aga aga naglalampungan kayo, respeto naman sa 'kin oh," Sabay ngisi niya.


"Ikaw ang may kasalanan, huwag ka kasing titingin." Biro ko.


"Anong huwag? Matitiis ko bang hindi tignan si Trevor? Napaka gwapo!" Saka siya impit na tumili.


"Ewan ko sa'yo! Pinagpapantasyahan mo na naman ang asawa ko!" Sabay pwesto ko sa lamesa ko.


"Mala-Michele Morrone ang datingan ng asawa mo, kaya paano ko matitiis na hindi siya tignan? Mas malinis nga lang ang mukha niya dahil masipag ata 'yang mag shave,"


Natawa ako sa sinabi niya. If she only know that Trevor was shaving his beard because I asked him to. Natutusok kasi ako at ayoko no'n, so I asked him to shave regularly.


Mula noong usap namin kagabi, naging ayos na lahat. Gumaan na ang pakiramdam ko. Alam ko kasing ayos na kami at wala na akong kinikimkim.


Natapos ang trabaho ko sa OJT at diretso ako sa bahay. Kailangan kong magpahinga ng maaga dahil bukas, birthday ni Trevor. Buti na lang at natapat sa sabado.


Kaninang tanghali nagpasama ako kay Mika para bumili ng regalo. Hirap na hirap akong pumili. 'Pag kasi birthday ni Trevor, hindi niya gustong binibigyan ko siya ng regalo, sarili ko lang daw ang ibigay ko ay okay na. Hinahampas ko naman siya dahil sa kalokohan niya.


Mika suggested me to buy wrist watch, pero ang sabi ko, sandamakmak ang relo ni Trevor sa bahay dahil collector ang isang 'yon.


Hinila niya rin ako sa isang Pharmacy at binulungan na mamili na lang daw ng isang box ng condom. Sinabunutan ko siya dahil wala siyang naitutulong sa akin sa totoo lang.


Pagdating ko sa bahay ay si Andrew ang sumalubong sa akin. Nagulat ako dahil may kasama siyang babae.


"Ria!" He called.


"Andrew," Sagot ko.


"Ah! By the way, this is Mortel, my girlfriend."


Tumingin at nginitian ko ang isang balingkinitang babae. Ang buhok niya ay hanggang sa dibdib at bumagay sa kanya ang suot niyang cocktail dress.


"Hi! I'm Tharia, Trevor's wife." I introduced myself.


"Aie Mortel," Tipid na pakilala niya.


Nagpaalam na 'ko sa kanila na tataas na. Nagpahinga lang ako saglit at naligo na. Bumaba na lang din ako nang magdinner at hinayaan na lang ang mga event organizer na ayusin ang ganap para bukas. Hindi rin naman ako patutulungin ni Mom kaya hindi na rin ako nag abalang tumulong pa.


I wore silky black fitting dress with slit. Si Trevor naman ay nagsuot ng ash gray tuxedo.


Lumapit ako sa kan'ya at ako na mismo ang nag ayos ng necktie niya.


"You look good," I compliment while fixing his tie.


"Thank you. Do you have any gift for me?"


I scowled. "Wala, ano bang gusto mong regalo?"


A devilish smirk plastered on his lips. He leaned on me and whisper. "A baby, are you willing to give me one?"


Napairap ako at tinulak siya. "Ayan ka na naman," Asik ko.


"I'm dead serious here, Tharia. I want Caliver to have a baby sister, or a baby brother, or better, both."


All of Her (His Maid Sequel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon