C52

986 102 6
                                    

Frances Pov

Nasa hallway ako nang makasalubong ko ang Vice President ng student council na tuwang tuwa na makita ako , mukhang kanina pa ata niya ako hinahanap based sa reaksyon niya.

"Miss Pres?! I'm glad na nakita din kita , ahm pinapatawag ka pala sa dean's office may sasabihin ata sayo tungkol sa bagong transferee na student athlete" hingal na hingal na sabi niya sa akin, bagong transferee bakit di ako updated? Ay fudge naiwan ko pala yung phone ko sa may office ko.

"Hmp ngayon na ba? Pupunta muna sana ako sa locker room ko para maihatid ko tong mga dala kong libro" sabi ko dala dala ko kasi yung libro ko actually kakagaling ko lang ng classroom namin kaya naisipan ko munang ilagay sa locker room ko sa student council office yung mga libro na hndi naman magagamit sa diskusyon ngayon.

"Hmp ako nalang magdadala niyan queen , sa sc locker room mo naman ilalagay yan diba?" Pag ooffer niya sa akin napatingin naman ako sa kanya baka kasi mahirapan siyang dalhin tong lahat , mga 7 libro pa naman ito na malalaki at pati ako nga nahihirapan na sa ngayon.

"Oo , are you sure?!" Paninigurado ko gayung madami dami iyun ay may kabigatan kaya nag aalinlangan akong ipasuyo iyun sa kanya.

"Yeah sige na queen pumunta ka na dun at tsaka malapit na din mag simula yung first period kaya baka malate ka pa niyan,. Ako na bahala dito" kinuha na niya yung mga libro na hawak ko at tinapik na ako upang maglakad na ako papuntang dean's office.

"Sige thank you!" Pagpapasalamat ko sa kanya at tsaka naglakad na patungong dean's office.

@Dean's Office

Kumatok na muna ako ng tatlong beses bago ko binuksan yung pintuan , nasa rules kasi yun dito.

"Good morning po dean? Pinatawag niyo daw hu ako sabi ni VP. Padillo?" Bati ko kay Dean na kasalukuyang nakatayo lang ngayon mukhang iniintay ang pagdating ko.

"Good morning din miss student council president! Ahm I just want to request lang sayo , zandro come here!" Request? Ano kaya yun sana naman hindi mahirap. Hustle pa naman ako sa gawain ngayon tas sabayan pa ng non stop na activities sa school na ako ang nag lilead argh hirap maging president huhuhuhu.

"Ano po yun dean?" Curious kong tanong sa kanya,. May lumabas naman na maputing lalaki , na sobrang tangkad din at tsaka in fairness ang pogi niya ah.

"Ahm i just want you to assist and help my son zandro to adjust lang naman , he's your new classmate din sa class A" so siya pala yung nag iisang anak ng bagong dean? Hmp they look a like naman.

"Hmp sure po dean , it's my pleasure" may ngiti sa aking labi na tugon ko.

"Hi I'm Zandro Wiggins!" Lumapit siya sa akin at iniabot ang kanyang kamay , sobrang ganda ng boses niya siguro singer siya?

"I'm the student council president , I'm Francese Therese Pinlac , Frances nalang" kinuha ko naman na ito at nakipag kamay na din nang mabilisan gayung ang bastos naman kung nakikipagkamay siya tapos ako hindi.

"Hmp maybe mamaya nalang kayo mag get to know to each other dahil mag si 7:30 na at magsisimula na yung class niyong dalawa , anyway ikaw na bahala sa kanya Miss Pinlac!" Sabi ni dean ,hmp i think wala naman na kaming dapat pag usapan i guess? I just need to guide him lang.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now