C55

908 95 2
                                    

Brei's Pov

Napapansin ko na this past few days parang panay na ang alis ni lara at tsaka lagi din siyang tulala , I don't know kung bakit siya nagkakaganun.

Hmp is this because doon sa fixed marriage na sinasabi niya? I wonder kung sino yung babaeng ipapakasal sa kanya? Sofia lang naman ang name na nalalaman ko dahil ayaw niya namang sabihin yung apelyido.

"Ate brei?! Ano wala ba tayong practice ngayong hapon? Nasaan na ang mga ate?!" Sulpot ni gabb sa court habang palabas na din sana ako papuntang lobby.

"Ah andun nasa cafeteria kasi nagutom , wala naman tayong training at practice sa ngayon baka bukas pa pero mag mi meeting ata si coach sa atin" aniya ko sa kanya , buti nga at walang training ngayon sapagkat pagod na talaga kami dahil sa sunod sunod na pagkayod sa practice.

"Ah ganun ba? Siya nga pala ate brei nalalapit na ang ika 23 birthday mo ah? Anong ganap sa mansion niyo?" Hmp nothing special i guess? Sa sabado na nito ang birthday ko pero parang di ko na dama sapagkat matanda na ako para dyan di tulad nung dati na sobra akong excited sa tuwing darating ang kaarawan ko.

"Hmp a simple celebration lang siguro with fam tsaka kasama kayo,. Dinner lang ganun" wala sa mood na sabi ko tsaka inayos ko na yung bag ko at kinuha ang phone ko.

"Sus ate brei , for sure di lang simpleng dinner yun! Ahem walwalan again! Awuuuu!" Masayang sabi niya pa,. Ewan ko ba dito kay gabb masyado na atang nasarapan sa alak dahil laging hinahanap.

"Ikaw talaga gabb napaka lasinggera mo na , buti nalang at nasa malayo na si jaydee dahil kung hindi baka mas mahawaan mo siya!" Medyo malungkot kong saad naalala ko na naman yung naging usapan namin ni lara nung nakaraang araw.

"Speaking of jaydee , ano wala ka bang balak na iinvite siya? Wala naman na sigurong matter pa sa inyo? At kay queen diba? Single si queen single din si jaydee? Hmp patok na patok at pwede na ang FranDeeSal na main ship ko argh!" Ewan ko ba kung magkakalakas akong iinvite siya despite of what's happening right now.

Iniurong niya naman na yung kaso laban kay kielle at lumipat na din ng school si kielle sa london ata.

Napakabait na bata ni kielle sobrang caring niya at botong boto talaga ako para sa kanya kay frances pero dapat pala hindi ako ang nagdecide at nag udyok kay frances.

I didn't even respect kung ano nga ba talaga yung gusto niya,. Naging selfish ako sa kapatid ko, na akala ko kapag nakahanap ako ng taong di siya sasaktan ay dun na siya magiging masaya.

Ngunit nagkamali ako sapagkat hindi mo nga talaga matuturuan ang puso mo na magmahal ng taong hindi naman talaga nilalaman ng puso at isipan mo.

"Hahaha baliw! Anyway pakitawag nalang sila abby dun sa cafeteria , didiretso na ako sa lobby ah dahil may kukunin pa ako" pag iiba ko ng usapan , i felt really guilty lang para sa kanilang dalawa , gayung ako ang naging hadlang sa pagmamahalan nila.

"Sige ate brei! Susunod nalang kami dun sa office ni coach! Ingat ka" huling sabi niya bago tuluyang lumabas ng court ako naman ay naglakad na papuntang lobby.

Napapaisip ako sa ngayon what if ako na ang bumawi sa kapatid ko ngayon? Like ako na ang gumawa ng way upang mag kaayos at magsimula silang muli ni frances?

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now