C56

927 102 36
                                    

Dana's Pov

Magkakasama kami ngayon ni coleen at gabb pati na din si jem ay nandito nagtutulong tulong pa din kasi kami sa paghanap dun sa babaeng nakasama ni jaydee sa condo niya.

Dahil siya lang ang makakasagot ng lahat ng katanungan namin at tsaka kung totoo ba yung hinala namin na sinet up lang talaga si jaydee para maghiwalay yung dalawa.

Di na bago sa amin yung ganung eksena dahil dati nangyari na din yan kay ate abby, madami kasing babae ang naghahabol sa kanya tapos di nila natanggap na kay sela lang siya napunta kaya ayun may nangyaring di maganda.

Pero sa huli nalaman naman na sinet up lang kaya ito din ang naging konklusyon nila abby , gabb at lara ngunit di namin pinaniwalaan nila alice at brei.

Well now i know at tsaka naniniwala na ako na hindi kayang gawin ni jaydee yung mga ganun lalo na at mahal na mahal niya si frances hmp di ko lang sure now.

"Ano wala pa bang update? Sa mga private investigator niyo? Sa akin wala pa kasi eh" sabi naman ng soon to be misis ko na panay lang din ang check sa computer niya.

"Grabe ang galing magtago ng babaeng yun nako talaga pag nakita ko yun sasabunutan ko ng bonggang bongga yung hipokrita na yun!" Inis na sabi ni coco habang nag iiscroll lang sa phone niya ng information din.

May picture naman na kami niya at pinapahanap na namin sa mga private investigator namin kaso nga lang di parin nila matagpuan iyun.

Hmp siguro sa ibang bansa nagtataga yung babaeng yun? Nakakainis na siya dahil siya ang muntikan nang sumira ng samahan namin.

Kaso nga lang hindi na nasalba yung relasyon nila frances kaya eto kami na magsasagawa ng oplan frandeesal ng pasikreto.

Sapagkat baka pag nalaman ni ate brei ito ay baka magalit sa amin ito nalang ang maitutulong namin sa lumubog na ship nila frances at jaydee.

"Chill lang baby! Mahahanap din natin yun , galing galingan niya pa ang pagtatago sapagkat lulumpuhin ko siya pag nakita ko siya, lintik lang ang walang ganti!" gigil ding sabi ni gabo napatawa naman ako sa kakulitan ng dalawa , meant to be nga talaga sila pareho silang may saltik sa ulo hahaha.

"Hahahaha ang laptrip niyong magjowa hay nako hahah anyway bukas na ang birthday ni ate brei so let's take a break na muna? Mag chill muna tayo bago tuluyang malaman yung taong nasa likod nito" nakangiting saad ko sa kanila kanina pa kasi kami nakatutok sa may computer at cellphone ilang oras na din like 8 hours straight siguro?

"Hmp mabuti pa nga at tsaka darating din daw si jaydee bukas eh , kaya let's talk to them nalang at tsaka si jaydee kung may balak pa ba siya ngayon eh single na si frances?" Sabi naman ni jem na kumuha ng bottled water sa ref at snacks na din at tsaka ibinigay sa amin isa isa.

"It's too late guyz!" Nagulat naman kami sa biglaang pagsulpot ni ate brei dito sa bahay namin.

"Ow ate brei? Anong ginagawa mo dito ah? Hindi ka man lang nagpasabi sa amin na pupunta ka?" Gulat na gulat na sabi ni coco , pati kami din eh like paano siya nakapasok ganun? Damn ang bobo ko lahat pala kami may spare key ng bawat bahay at condo ng bawat isa.

"Itigil niyo na yan , jaydee are courting jie na sabi niya sa akin nung nakausap ko siya noong nakaraang araw kaya tama na yang pag eeffort niyo, hmp akala niyo ba di ko alam yung pinaggagawa niyo all this time?" Ano? Nililigawan na ni jaydee yung babaeng mala jennie kim na member ng blackpink sa south korea?

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now