C60

1K 116 20
                                    

Jaydee's Pov

Lumapit na kami sa kinaroroonan nila ate brei , ate abby at iba pa , binigyan naman nila ako isa isa ng yakap liban lang syempre kay frances.

"Happy birthday po ate brei! Mamaya ko nalang po ibibigay yung regalo niyo nasa condo pa kasi eh" nakangiting sabi ko kay ate brei at ginugulo niya lang naman yung buhok ko.

"Buti naman at nakarating na kayo dong! Nice to meet you kyle and kristina! Okay lang naman na hindi mo ako bigyan ng regalo jaydee eh your existence here really means a lot to me!" Aniya ni ate brei sabay nakipagkamay kila kyle at kristina,. napatingin naman itong si kristina kay frances na nasa may bandang likuran lang ni ate brei.

"Hi ate frances?! Long time no see po lalo po kayong gumanda ah? Anong sikreto natin dyan?!" Lumapit si kristina doon at nakipagkamay at beso beso pa kay queen , sana ol nalang talaga bida bida ano?

"Long time no see din kristina ikaw din naman gumanda at sumexy ka pa lalo" sabi naman ni frances sa kanya tsk itong si frances pinuri pa si kristina kaya lumalaki ulo nito eh.

"Hmp ate frances?! Ahem baka naman pwedeng pa welcome hug daw si ate Jaydee hahaha pinapasabi niya kanina" nakaakbay siya ngayon kay frances at nakangiting nakatingin sa akin na nanlaki ang mga mata dahil sa gulat sa sinabi niya.

Bahagyang napatawa naman at napaubo ubo silang lahat dito na mga kasama namin.

"Putcha tina? Di ka tatahimik? Baka gusto mong butasin ko ang gilidan mong babaita ka?" Tinignan ko siya ng masama at sinenyasan na lumapit siya sa akin dahil kukutungan ko talaga siya sa kalokohan niya, argh nakakahiya kay frances.

"Hmp sige na daw ate frances kahit isa lang naman oh , parang wala daw kayong pinagsamahan bulong niya sa akin kanina" natatawang aniya niya ganun na din naman ang pagngiti ni queen argh ngayon ko lang muli siyang nakitang ganyan ngumiti.

"Haha loko ka talaga kristina , Hanggang ngayon ang kwela mo pa din kasama" aniya ni frances kay kristina, lumapit naman ako dito at inalis niya na yung pagkakaakbay niya kay frances at paatras ng paatras papalayo sa akin.

"Wait lang po mga ate ah! May kukutungan lang po muna ako sa may gilid" sabi ko sa mga ate at napatakbo na nga ako papunta kay kristina , ganun na din naman ang ginawa niya.

"Ate frances! Sabi daw ni ate jaydee kanina na sobrang ganda mo daw sa suot mo ngayon at nababagay kayong dalawa para sa Isa't isa hahah kayo nalang daw po ulit.. comeback FranDee Uwu!!!" sigaw niya pa kila frances habang hinahabol ko na siya lagot ka talaga sa akin pag nahuli kitang garapata ka.

"Kristina!!!!!" Sigaw ko sa kanya , damn kelan pa bumilis ang pagtakbo ng babaeng to? Hindi ko man lang siya mahabol habol ngayon.

Meanwhile

Frances Pov

Magkasama kami ngayon ni coleen at nag uusap lang kami ng mga bagay bagay ganun, nakahawak lang ako sa may cellphone ko at kinukunan ng litrato yung view ngayon na kay sarap pagmasdan.

"Frances?! Kakaiba yang mga ngiti mo ngayon ah! Jaydee's syndrome na ba yan? Hahahh" pangangantyaw naman ni coco sa akin bahagyang sumimangot naman ako.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now