Chapter Thirty three

8.2K 335 31
                                    

Victoria


Nandito kami nila Jade sa k'warto na tinutulugan namin dito sa loob ng rest house.

Tahimik lang din akong narito sa balcony ng k'warto. Nag iisip at nagpapahangin lang.

Si Toni naman, she fell asleep after crying so hard. I know it's hard for her about sa mga nalaman namin kanina. This should be a celebration for Sherez's Birthday but tonight hits differently— it is chaos. Alexandria unfolds herself in front of us. We learned everything from her past.

I understand her the pain she's carrying. The rage she has with her father. Kahit sino naman siguro ay magagalit at masasaktan. She loves her mother na kahit gusto niyang tulungan kung hindi talaga niya magagawa ay masakit na lang. Masakit din na panoorin silang mag ina habang nasasaktan at pinapahirapan ang isa. If you look at Alex, parang wala siyang gano'ng klaseng masakit na nakaraan but no, we should not judge everyone lalo na 'pag hindi natin sila lubusang kilala.

Self-harm. Ginagawa ni Alex 'yon to punish herself para makatakas. Para maramdaman na buhay pa siya. Para makaiyak at maparusahan ang sarili kasi until now, she can't redeem herself from her awful past and reality.

Sobrang sakit, especially nang makita mismo ng mga mata ko 'yong distress na nangyari kay Alex sa gitna ng gubat kanina.

I am freaking shocked.

But before that, si Banana kanina. Muntik na siyang magwala. She almost cries in distress at pag aalala. I thought, mag aaway sila ni Alicia kanina pero hindi. Kahit sa kanila nararamdaman kong nasasaktan sila para sa kaibigan nilang si Alex.

At how Banana reacted that way. At how the pain crosses her eyes. She became passive a while ago. Parang nawalan siya ng pakialam kahit makita siya ng ibang tao sa gano'ng ugali. I do understand how anxious they are about Alex. The care they have for each other. The friendship is too genuine. Parang kahit sino ay walang makakasira doon.

Now I know kung bakit gano'n na lang nila protektahan si Alex.

"What are you thinking? Baka masyadong malalim at malunod ka." Ngumiti ako ng payat kay Lila at Jade nang lumapit sila sa akin. Nakasandal lang ako rito sa may balcony kanina pa. Akala ko ay tulog na sila but hindi pa pala.

Parang nag iba rin ang ihip ng hangin. Kung kanina ay malamig, ngayon ay parang hangin na lang ito at wala ng dating sa akin. O baka dala ng alak na ininom ko kanina.

"I am just thinking about what happened a while ago." Saka nilingon si Toni na tulog na tulog na ngayon dahil sa pagod.

"I didn't expect that to happen. We're just playing and ended up telling a secret. Until, here's Alex who decides to unfold some secret she has." A game? Laro pa rin ba 'yon?

Parang hindi naman siya isang laro.

"Parang hindi naman laro 'yon e." Mahinang komento ni Jade habang napapakamot na lang sa pisngi. She even bites her nails. I think she's thinking too deeply kaya she's biting her nails again. Ganiyan siya pag sobra ang iniisip. "Maybe that's the reason why Alicia says that all we heard must be kept secret."

I also remember that. Kaya siguro niya sinabi dahil iyon ang mangyayari. And one more thing— how did they permit Alex a while ago?

They really know how to communicate using their eyes.

"What will happen tomorrow if she wakes up then?" I asked. Not even sure about Alex and Tala's plan for tomorrow. Mag uusap ba kaming lahat dahil sa nangyari? Are they gonna say na lahat ng nangyari sa ilang araw namin na 'to ay hindi lalabas sa lugar na 'to? Pero dapat ay gano'n naman talaga. Hindi rin naman kami magsasalita.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon