Chapter 73

1.7K 114 1
                                    


Isang nakakabinging katahimikan ang pumapalibot sa buong paligid. Walang tigil ang pagtipa ng aking hintuturong daliri sa mesa. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawang tao na nasa harap ko ngayon. Sina Dukesa Giltha Halacre at Binibining Edevine Bonavalet na nanatili pa ring magulo ang kanilang hitsura sa aking paningin. Pareho silang nakayuko habang nasa kandungan nila ang kani-kanilang kamay. Ngayon ay narealize na nila na maling mali ang ginawa at ipinakita nila sa akin. Samantala ang mga kasamahan nila ay agad ko na pinauwi dahil mas hindi ko makakausap ng maayos ang dalawang ito kung mananatili pang ang mga ito. Atleast, kaming tatlo lang ang makakaalam ang plano ko.

"Hindi ko kayo pinatawag para lang mag-away kayo." malamig kong sambit. "At wala akong pakialam kung magkaaway ang mga angkan ninyo."

Pumikit ng mariin si Edevine, si Dukesa Giltha naman ay napakagat ng labi. Sa puntong 'yon, para silang sinampal sila nang napakalakas sa sinabi ko. 

"P-patawarin po ninyo kami, kamahalan." nanginginig na sambit ni Edevine, animo'y isang paslit na maiiyak dahil pinagalitan siya nang matindi ng kaniyang mga magulang.

"Hayaan ninyo sanang... Bigyan ninyo pa kami ng isa pang pagkakataon... Mahal na prinsesa na tagapagmana." segunda naman ni Dukesa Giltha.

Pumikit ako saka kumawala ng isang malalim na buntong-hininga. Isinandal ko ang aking likod sa upuan. "Kaya ko lan kayo ipinapatawag ay dahil sa tingin ko ay malaki ang maitutulong ninyo sa akin para mas maganda ang pamamalakd ng Thilawiel. Subalit, mukhang nagkakamali pa ako dahil sa mga nasaksihan ko.... Bigla ako nagdalawang-isip." may halong panunuya nang sambitin ko 'yon. Para mas maguilty pa sila!

Sabay nilang inangat ang kani-kanilang tingin sa akin. Parehong may gulat sa mga mukha nila.

"M-mahal na prinsesa, hindi po... Gagawin po namin kung anuman ang hihingin ninyong pabor sa akin! Handa po ako makatulong!" malakas na bulalas ni Dukesa Giltha.

"Siya nga po, kamahalan! Handa rin po ako tumulong alang-alang sa Imperyo!" ani Edeivine, marahas niyang dinampian ng kaniyang palad sa kaniyang dibdib kung nasaan ang kaniyang puso. "Iibigay ko po ang lahat ng makakaya ko upang mapatunayan ko ang katapatan ko sa inyo!"

Tumango ako saka humalukipkip. "Kung ganoon, papayag kayong gagamitin ko ang mga kakayahan at abilidad ninyo?" seryoso kong tanong.

Sabay silang tumango bilang tugon.

Muli ako nagbuntong-hininga. "Alam ninyo naman siguro na opisyal nang nagbukas ang minahan sa iba't ibang parte ng Thilawiel. Aminado ako na hinding hindi ko makakaya ito nang mag-isa. Lalo na't nailagay na ako sa ganitong sitwasyon." marahan akong ngumiti. Dumapo ang isang palad ko sa aking tyan.

Sabay silang napatingin doon. Unti-unti nanlalaki ang kanilang mga mata nang napagtanto nila ang ibig kong sabihin. "I-ibig po ninyong sabihin..."

Tumingin ako sa kanila. Ginawaran ko sila ng isang maliit na ngiti. "Tama kayo ng iniisip, dinadala ko na ngayon ang magiging tagapagmana ni Prinsipe Otis. Pero dahil limitado na ang aking kilos ngayon, kinakailangan ko ang tulong ninyong dalawa. Kung pareho ninyong itatapon ang masamang nakaraan sa pagitan ng inyong pamilya, mas maganda." wika ko. "Nalaman ko na pareho ninyo din sinusuportahan ang mga Cairon."

"Tama po kayo, kamahalan." sagot ni Edevine.

"Pero... Bakit po kaming dalawa ang nais ninyong tumulong, kamahalan? Bakit hindi po sa iba? At pareho din po kaming babae?" si Dukesa Giltha naman ang nagtanong, may halo 'yon na pagtataka.

"Naiitindihan ko ang ibig mong ipahayag, Dukesa Halacre. Tulad ng sabi ko, gagamitin ko ang mga abilidad at mga kakayahan ninyo na hindi magagawa ng mga Opisyal o sinuman sa mga lupon ng Imperyo. Alam kong kayo lang ang makakagawa ng pabor na hinihingi ko. Dagdag pa na ayokong masayang ang inyong talento." paliwanag ko.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon