Chapter Thirty seven

7.4K 274 11
                                    

Victoria


Ilang beses ko ng binagsak ang hawak na cellphone. Kahit 'yong laptop ko ay naiinis na naitapon ko sa ibabaw ng higaan ko. I did everything I can para lang mahanap ang pangalan ni Banana, and yet, wala talaga akong makuha. I even asked my Dad pero umiiling lang siya sa akin.

They are hiding something from me about her. Pero ano 'yon? Bakit ayaw nilang sabihin?

Ang tagal ko ng naghahanap ng info about her but I always failed. Gusto ko na ngang i-bribe si Lila but I know she won't say anything just because of bribery. Depende na siguro if 'yong isusuhol ko sa kaniya ay talaga nga namang kailangan niya.

Simula ng makauwi kami galing sa Subic ay ito na nga talaga ang pinagkaabalahan kong gawin. Ang maghanap ng mga tungkol kay Banana Crescencio.

Dapat na nga ata akong sumuko sa pag si-seek ng information e.

Napalingon naman ako sa pinto ng k'warto ko when I heard some soft knock. I lazily dragged myself and opened it.

"What the hell are you doing here, Lila Gonzaga?" I don't have time for anything right now. Siya ang nakita kong pa-katok ulit sana pero nabitin ang kamay nito sa ere ng mabuksan ko ang pinto.

"Ang sungit mo naman." I snickered when Lila enter my room without permission. Sumunod na lang ako sa kaniya at naupo sa ibabaw ng higaan ko.

Pabagsak akong naupo kaya sa huli ay umayos ako ng upo sa gilid ng kama at hinarap na lang siya. I even raised my eyebrows at her realizing that they are getting on my nerves already. This is freaking absorbing that I feel myself getting so desperate about Banana's secret.

"What the hell are you doing here nga kasi, Lila?"

"Ang init naman ng ulo mo. Nagpunta ako rito para isama ka. Nandito ako para magpasama, puntahan natin si Jade. I can't contact her e." I rolled my eyes. "Tsaka ang weird niya lately, medyo kinakabahan ako sa mga actions niya."

"P'wede mo siyang puntahan ng mag isa Lila." I remarked. Naiinis kasi ako sa kanila e. Mas lalo lang akong naghihinala about sa pagkatao ni Banana dahil sa kanila. Dahil sa nangyari sa Subic at dahil sa tinatago nilang lahat sa akin.

Especially, Mom and Dad. May alam sila, that's for sure. Gusto ko ng malaman ang lahat but they keep quiet. Ano bang mali kung magsasabi sila sa akin? Is it forbidden ba? Pinakausapan ba sila ni Banana na huwag magsabi sa akin? Ano ba talaga?

I don't know what to think anymore.

Masyado ba akong nagmamadali? Should I wait for Banana to open it for me? But when?

Bahala na nga lang sila at ayoko ng maghanap pa.

"C'mon! Wala si Toni ngayon kasi umuwi siya kasama ni Sherez sa grandparents nila." Alam ko naman 'yon. Nabanggit nila kahapon na pupunta sila doon. Hindi lang sure kung magsasabi ba sila about Alex at sa nangyari man lang sa Subic.

"Ano na naman bang gagawin natin doon kay Jade? Busy ako." Tumayo na ako at pinulot ang cellphone na nalaglag sa pagkakahagis ko kanina sa kabilang gilid lang din ng kama. Inabot ko rin ang bukas pang laptop na hindi maayos na nasa higaan bago ito tiklupin at ilapag sa mesa ko.

Maski ang ilang mga gamit na hindi sinasadyang naitapon ko dahil sa inis ay isa-isa ko na ring pinulot.

Wala rin akong magagawa kahit anong gawin kong paghahanap. I can ask an investigator pero inaayawan ako 'pag binabanggit ko ang pangalan ni Banana. Nakakabwisit talaga. Ilang investigator pa ang tinawagan ko tapos bigla akong papatayan? Napaka-unprofessional nila. Sobrang nakakafrustrate!

Si Lila na nga lang pag asa ko tapos ganito pa siya. Parang hindi kaibigan, kainis. Ayaw ba naman magsabi.

Suko na ako sa kanila.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon