LXVIII

1.5K 148 43
                                    


ABELAINE TRINIDAD

"Buti na lang maluwag ang daan. Hindi tayo mahuhuli."

"Kaya nga Dad." I heard Coco replied. "Mukhang mapapaaga pa ang dating natin."

Napahinga na lang ako ng malalim habang ang atensyon ay nakatuon sa labas ng bintana.

Graduation.

Ang napakahalagang okasyon para sa mga estudyanteng magtatapos. Pero para sa'kin, ito na ata ang pinaka worst. Mas gugustuhin ko pang humilata na lang buong magdamag sa kwarto ko at makipagtitigan sa puting kisame kaysa ang umattend sa seremonyang ito.

"Ate Abby"

Napalunok na lang ako. Paano ba? Paano  ba ko magiging masaya kung punong-puno ng lungkot ang puso ko?

"Ate Abby, uy."

Doon lang ako nabalik sa ulirat ko, ng maramdaman ko ang marahang pagsundot niya sa balikat ko.

"Are you alright?"

I cleared my throat. "Yeah, don't worry. I'm fine." I lied. I fucking lied.

"Alam kong mahirap ang sitwasyon mo ngayon iha, pero intindihin na lang natin." mahinahong sambit ni Tita. "Maghihintay si mommy mo sayo sa bahay niyo, nangako siya diba?" pampalubag loob pa niya sa'kin.

Hindi ako sumagot at mas piniling tumahimik na lang. Hindi narin naman sila nagsalita pa kaya mas naging pabor sa'kin ang katahimikan ngayon.

Hindi rin nagtagal, tuluyan na nga kaming nakarating sa pagdarausan ng seremonya. Kahit na ganito ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko parin maiwasang hindi mamangha. Matagal ko ng pangarap na makarating dito. Ito na 'yon.

Philippine International Convention Center.

Argh! Ang sarap magmura. Pangarap ko 'to potek!

"Tara na sa loob?"

Naramdaman ko pa ang marahang paghaplos ni Tita sa balikat ko. Tuluyan na kong napangiti.

"Tara na po."

Inilagay ko ang kamay sa baywang niya habang siya ay nakaakbay sa'kin. Punong-puno ng pagkamangha ang mata ko ng tuluyan na kaming makapasok sa loob. Gusto ko pa ngang maiyak, pinigilan ko lang. Nakakahiya ee.

"Trinidad!"

Nadako ang tingin ko kay Dana na nakangiting tumatakbo papalapit sa'kin. Napabitaw tuloy ako sa pagkakahawak kay tita at sinalubong ng yakap ang bruha.

"Ang ganda mo ngayon mare ah." puna niya. "Pa-kiss nga 'ko."

Napatawa ako. Parang tanga ang gaga. "Maghunus dili ka. Di tayo talo."

Napalingon naman ako kina tita na nakangiting nakatingin lang sa'min ngayon. "Si Dana po pala, kaibigan ko po."

"Magandang araw po Ma'am." magalang na bati naman nitong isa.

Binati lang din nila itong isa saka nagpaalam sa'kin para pumunta sa magiging pwesto nila.

Kinindatan pa nga ako ni Coco bago sumunod sa mommy niya. Walang patid tuloy ang pagkakangiti ko ngayon. Biglang nabuhay ang puso ko. Pero mas masaya sana kung sina mommy at daddy ang kasama ko dito.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon