Chapter 74

1.6K 117 9
                                    


Tulad ng aking inaasahan, laglag ang mga panga nila sa aking pahayag. Hindi na bago sa akin 'yon lalo na't una nilang prayoridad nila ay ang kalagayan ko---na buntis ako. Ayaw nilang isugal ang buhay na nasa sinapupunan ko pati na din sa akin. Pero sa mga naririnig ko kanina ay mukhang wala na akong magagawa pa. Nalaman ko na kung ano ang dapat kong gawin upang tuluyan naming matalo ang Prerradith at tuluyan naming mabawi ang mag-amang Levanadel sa kamay nila.

Marahan akong pumikit, tahimik kong pinakikinggan ang iba't ibang klase ng kanilang pagtatanggi sa desisyon ko na ito. Hinahayaan ko lang siya hanggang sa manawa na sila. Ang hindi nila alam, ilang beses ko din pinag-isipan ang bagay na ito. Ayaw ko rin isugal ang buhay ko---ang buhay ng magiging anak namin ni Otis para sa magaganap na malaking digmaan pero wala na talaga ako mapagpilian pa.

"Rini, sana ay naiitindihan mo ang ibig naming sabihin." wika ni Eomund, kahit na inilabas na niya ang lahat nang gusto niyang sabihin ay hindi pa rin nabubura ang pag-aalala sa kaniyang boses.

"At sa oras na malaman ito ni ama, paniguradong hinding hindi niya mapapayagan ang suhesyon mo." segunda pa ni Cederic.

"Naiitindihan ko ang ibig ninyong sabihin." malamig kong sambit. Hindi pa rin nawawala ang kaseryosohan sa aking mga mata. "Mas hindi ako panatag kung wala akong maitutulong sa digmaan na ito."

"Pero Rini---"

"Hindi lang naman ako ang mag-isang haharap sa kanila!" matigas kong sambit. Kasabay na tumayo ako mula sa aking kinauupuan. "Kasama ko kayo! Anong masama kung gusto kong tumulong?!"

Natigilan silang lahat. Napatulala sila sa aking inasta. Para bang bago sa kanila na makita nila ako na magalit ako ng ganito. Yeah right... Sa umpisa palang ay ipinakita ko sa kanila kung gaano kahaba ang pasensya ko. Ipinakita ko din sa kanila na hindi ako basta-basta magagalit na may kinalaman sa ganitong bagay dahil alam ko ang limitasyon ko. Dahil nasa sistema ko na ang hinding hindi ako susugod na kung sa tingin ko ay matatalo ako sa huli. Pero ngayon... Ngayong binigyan ako ng dagdag na lakas at mahika mula mismo kay Bininibing Lorah, hinding hindi ko ito sasayangin. Hinding hindi ko papalagpasin ang pagkakataon na ito upang makatulong.

"Rini..." nag-aalala nilang tawag sa akin.

"My rose..." si Otis, sinusubukan niyang abutin ang isa kong kamay. "Rini..."

Lihim ko kinagat ang aking labi, yumuko ako. Kusang kinuyom ko ang aking kamao. Wala akong pakialam kung nanginginig ito. Naiinis ako. Tama, nakakaramdam nga ako ng inis. "S-siguro, tama kayo..." malamig pero mahina kong sambit. "Siguro nga ay hindi ko pupwedeng isugal ang lahat. Patawad, kailangan ko muna mapag-isa." kumawala ako ng hakbang. Sinubukan nila akong tawagin ulit pero hindi na ako nag-abala pang pansin pa 'yon. Dire-diretso akong lumayo sa kanila.

Ramdam ko na hinahabol ako ni Otis. Pero bago man niya ako naabutan, "Transfer," mahina kong saad saka nawala ako sa harap nila. Nagteleport ako sa pamamagitan ng hangin. 'Yon nalang ang tanging paraan ko para kumawala ako sa kanila sa gayon ay makakapag-isip na ako ng tama.

Alam ko din na mali ang ginawa ko. Maling mali.

**

Dinala ako sa hindi pamilyar na lugar. Nang iginala ko ang aking paningin sa paligid, sa tingin ay wala na ako sa Thilawiel. Wait, nasaan na ba ako? Bakit nasa gitna na yata ako ng talahiban? Malamig din ang simoy ng hangin dito. Nagagawang sumayaw ang mga talahib at ang aking buhok sa hangin. Hindi dapat ako pumirmi dito. Kailagan ko bumalik ng Thilawiel at baka magwawala na naman sa kakahanap sa akin.

Sinubukan kong humakbang para bumalik na.

"Huh? Sino ka po?"

Tumigil ako nang may narinig akong boses ng isang batang lalaki sa aking likuran. Agad ko ito tiningnan na may pagtataka sa aking mukha. Tama nga ako, isang batang lalaki ang tumambad sa akin. May hawak siyang basket ng mga prutas at mga halaman na tingin ko ay ginagamit sa paggagamot. Kulay asul ang kaniyang buhok at kulay dilaw ang mga mata.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon