Kabanata 11

705 22 1
                                    

Muntik nang mahulog ang hawak ko nang makarinig ako ng mga boses na pumasok sa kwarto.

"Hello! May tao ba rito?!" sigaw ni Mico na halatang ginigising si Alex.

Nilagay ko ulit sa dating pinaglagyan ang kinuha ko at napasilip ng kunti sa pintuan. Ginugulo nila ngayon si Alex at nagkatinginan si Mico at Andrew na para bang may pinag-uusapan sila gamit ang kanilang mga mata.

"You're so sexy, damn!" ani Mico sabay hampas sa likod ni Andrew na ngayon ay nakatalikod sa kanya. Kung kaya't gumawa iyon ng ingay.

"Fuck me harder, daddy, ah!" ani Andrew at ginawa niyang maliit ang kanyang boses animo'y babae.

Pinipigilan ko naman ang tawa ko habang nanunuod sa kanila at tinakpan ko na lang ang bibig ko.

"What the fuck?! Bakit kayo nandito?! Sa kabilang kwarto kayo!" na alimpungatan si Alex sa mga narinig at pigil na natatawa si Mico at Andrew.

"No, patapusin mo na lang kami, A. Malapit na ako," lokong saad ni Mico at tumawa siya na walang maririnig na boses pero hawak niya ang tiyan niya sa sobrang katatawa. Pinagsalikop naman ni Andrew ang dalawang kamay niya at gumawa siya ng ingay.

"Plok, plok, plok"

"Fuck you! Get out of here!" sigaw ni Alex at bumangon siya agad upang sugurin kung saan nanggagaling ang boses.

Agad naman akong napatago nang makitang...hubo't hubad si Alex! Bakit wala siyang saplot?! At paano ako lalabas nito niyan? Napapikit ako sa inis. Kung sana kasi ay lumabas na lang ako kanina at hindi na lang nanunod sa kalokohan ng dalawa.

Nagsitawan ang dalawa habang galit na galit si Alex dahil nalaman niyang pinaglalaruan lang siya ng dalawa niyang kaibigan.

"Your...your face is priceles, A," ani Mico na nahihirapan magsalita dahil tumatawa pa siya.

"Bakit mo naman inakalang dito talaga namin gagawin 'yon sa kwarto mo?" natatawang tanong ni Andrew at hindi pa rin ako sumilip dahil baka ano pa ang makita ko.

"I heard you moaning! What the fucking else should I expect you're doing?" iritadong sagot ni Alex at napakagat labi ako. Pinipigil ang ngiti.

Nagsitawanan naman ang dalawa at hindi pa rin maka move on.

"Ano bang ginagawa niyo rito?" inis na tanong ni Alex.

"A, my birthday. Sama ka na," tonog paawa na ngayon ang boses ni Mico.

"Yeah, isasama namin si Joce at Honey," si Andrew.

"What?" gulat na sagot ni Alex. Inunahan na nila ako. Plano ko pa naman sanang ngayon na sabihin sa kanya iyon.

"O, bakit? Kung ayaw mong sumama, ipahiram mo na lang sa amin ang dalawang iyon," pilyong saad ni Mico.

"No," malamig na sagot ni Alex.

Gusto ko nang lumabas dito at magpakita sa kanila pero natatakot lang talaga ako dahil nakahubad si Alex at wala akong tiwala sa mga mata ko!

"What time is it?" out of context na tanong ni Alex.

"8:20 am," si Andrew.

"Where is she? Have you seen her? She's supposedly here by now," aniya at hindi ko maintindihan kong tama ba ang tono ng boses na narinig ko galing sa kanya. Tonog nag-aalala siya.

Kahit ayoko pa sanang lumabas pero ito na ang tamang pagkakataon upang gawin iyon.

"N-Nandito po ako," kinakakabahan kong sagot at iwinagayway ko ang kamay ko sa closet para makita nilang naroon ako. Ayoko pa ring sumilip 'no. Narinig kong may mga mahinang nagmura at kalampag. Animo'y mayroong nagmamadali.

Secret ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon