Kabanata LXXXIX

11.4K 803 789
                                    

ELIANA'S POV 

Mahigit dalawang araw lang ang inabot bago ako tuluyang pinahintulutan lumubas ni Aeson at ng iba pang mga manggagamot na tumingin sa kalagayan ko. Ngayon naman ay kasalukuyan na akong nakahilata sa aking kama at napaliligiran ng sandamakdamak na mga libro patungkol sa mga kapangyarihan at iba pang maaaring makapagpaliwanag ng mga kakaibang pangyayari sa katauhan ko. 

"Prinsesa Eliana, bakit hindi ka po muna magpahinga? Sa susunod na linggo pa naman po ang balik po sa klase dahil pinahintulutan ka nang lumiban muna." Nag-aalalang pakiusap sa akin ni Leandra habang tinatapos niya ang pagtatahi ng ilan pang natitirang mga damit na hindi nila natapos noong wala ako. 

"Hindi na. Aalis din ako bukas kaya kailangan ko basahin lahat ng ito ngayong araw." Tamad na saad ko sabay baba ng aking binabasa. 

Inilibot ko rin ang aking paningin upang hanapin si Stella na nawawala na naman sa paningin ko. Kinakailangan ko na naman siya utusan na kumuha ng iba pang mga libro dahil hindi ko maintindihan ang konsepto ng pagkakaroon ng mahika mula pagkapanganak at ang possibilidad na maitago ito habang lumalaki. 

"Nasaan si Stella?" 

"Kumuha po siya ng tanghalian mo sa kanti---"

Hindi na natuloy pa ni Leandra ang sinasabi dahil bigla na lang bumukas ng malakas ang pinto dahilan para sabay pa kaming mapalingon dito. Humahangos at ngiting-ngiti na tumambad sa amin si Stella dala ang ilang tray na naglalaman ng mga pagkain. 

Umayos naman ako ng pagkakaupo at taas kilay siyang tiningnan. Ano na naman ang problema ng isang 'to? 

"P---Prinsesa Eliana, m---may bisita po kayo sa ibaba! Kanina niya pa po kayo hinihintay doon!" Masigla at tila ba sabik na sabik niyang pahayag.

Sandali naman akong napaisip kung sino ang maaari kong maging bisita sa oras na 'to at napakarami na kaagad pumasok na pangalan sa utak ko dahil sa iba't ibang rason. Si Adelrick ba 'yan? O baka naman si Maestro dahil hindi niya pa ako binibisita nitong mga nakaraan.m

"Sino?" Kunot-noo kong tanong habang inililigpit ko na ang aking mga libro. Nagkaroon na rin naman ako ng dahilan para maglakad-lakad sandali.

Ngumiti muna ng pagkalawak-lawak si Stella sa akin bago sumagot. Napangiwi pa ako sa ngiti niyang 'yan.

"Sikreto, Prinsesa Eliana. Naku tiyak ko na matutuwa ka kapag nakita mo kung sino ang naghinintay sa'yo sa ibaba." Tuwang-tuwa pang saad ni Stella habang naglalakad ito palapit kay Leandra.

Pinanood ko naman kung paanong nagbulungan ang dalawa sa harapan ko hanggang sa mapangiti na lang din si Leandra at maging siya ay mukhang sabik na rin.

Ano ba?! Sino ba kasi 'yang nasa ibaba at ayaw pang sabihin ng dalawang 'to?!

"Prinsesa Eliana, mukhang kinakailangan mo na pong bumaba dahil may espesyal na tao pong naghihintay sa inyo." Nakangiting pahayag ni Leandra habang tila ba himdi siya magkandaugaga sa paghahanap ng susuotin ko.

Magbibihis pa ba ako?! Ano bang masama sa suot kong sando at maikling pantalon?! Ang init-init kaya! At isa pa, gaano ba kaespesyal 'yang dumating at pinagbibihis pa ako.

Sinimangutan ko naman siya bago ipinagkrus ang aking mga braso sabay dekuwatro sa aking kama.

"Nandyan na ba yung katulong ni Adelrick na magpapadala ng buwanang pera natin?"

Aba'y kung magandang balita naman pala ang dumating ay walang duda na ang taong 'yan ay dapat pera ang dala.

Bahagya naman natawa si Leandra sa sinabi ko. Maging si Stella na mabagal magproseso ang utak ay tinatawanan na ako. Aba! Ang lakas na ng loob nilang tawanan ako! Ano bang nakatatawa sa tanong ko e pare-pareho naman kami makikinabang doon! 

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon