Chapter 2

487K 24.1K 35.6K
                                    


Buong linggo akong nakangiti. Ipinagyabang ko kaagad sa mga kaibigan at ka-club ko ang naging interaction namin ni Kobe, at tulad ng inaasahan ko, inggit na inggit sa akin ang members.

Kahit pa nang malaman kong ang meaning pala ng jeopardize ay putting something at risk, hindi ko na hinayaang kainin ako ng kahihiyan. Ayos na 'yon! Ang mahalaga, tapos na!

"Ang saya mo, ah? Wala pa namang e-mail," basag ni Mill sa daydream ko.

Umirap ako. "Pake mo? Ikaw nga masaya sa 12/60 mong exam sa major, eh."

Mari and Ate Kat chuckled. Nasa canteen kami ngayon at nag-lu-lunch. Mabuti at sabay-sabay ang break time namin dahil kalimitan sa mga teachers ngayon ay nag-co-compute ng midterm grade.

"Akala ko ba ay bukas na ang camera testing? Bakit wala pang e-mail?" maya-maya'y tanong ni Ate Kat.

Agad na sumingit si Mill. "'Di ba? Ipinanghiram pa naman 'yan ni Mari ng dress kasi sabi niya, sure na!"

I pouted. "Baka mag-email mamayang gabi..."

"Feeling ko e-signature lang ang autograph na ibibigay," mahinang tawa ni Mari. "Asumera ka."

Sumandal ako at ipinagkrus and braso sa dibdib. "Ang lungkot naman kapag gano'n. Sa boobs ko pa naman balak magpapirma."

Malakas na tumawa si Mill. "P'wede. Kasingtuwid din naman ng papel 'yan."

Inirapan ko lang siya. Tinapos namin ang pagkain na ang camera testing pa rin ang pinag-uusapan. Kanya-kanya kami ng balik sa room. Nagpa-load pa ako bago umalis sa apartment namin kanina dahil inaabangan ko ang e-mail.

Medyo nakakawala ng pag-asa, pero ayos lang! Masaya naman na ako sa kaunting usapan namin ni Kobe.

Go lang. Self-comfort lang. Kaya ko 'to.

I was barely thirteen when I heard his songs. He was seventeen at that time, but it was obvious that he already had a bright future ahead of him.

Unang dinig ko sa boses niya ay napatigil na agad ako sa ginagawa. It was just a random play on YouTube. Naggigitara lang siya at kumakanta ng isang sikat na kanta. That was the turning point in his career. Biglaan ang naging pagsikat niya, and after a year, he signed a contract under Soul Production.

But aside from his deep baritone voice and good looks, people adored him because his music conveyed depth and despair. He was like a storyteller who drove his listeners on a tragic journey of life, dreams, disappointments, and relationships.

"Wala pa rin?" bulong sa akin ni Eddie, isa sa mga ka-close kong kaklase, habang nag-di-discuss ang instructor namin.

Umiling ako.

"Punta pa rin tayo bukas after class, kahit sa labas lang. Para sa autograph mo," suhestyon niya.

Nakatitig lang kami sa white board kahit na wala naman kaming naiintindihan sa lecture. My mind was flying elsewhere.

"Napakaliit ng tsansa na makita ako ni Kobe." Bumigat ang loob ko. "First and last na pala 'yon, sana nakipag-momol na 'ko."

Mahina siyang tumawa. "Tapos bad breath si Kobe, 'no?"

"Kahit amoy kanal pa 'yan," tugon ko. "Kung makikita mo lang siya no'ng nginisian niya ako..." I sighed. "My god, para akong nabuntis."

Hinampas lang niya ang balikat ko habang mahinang tumatawa.

Eddie is a proud and outspoken member of the LGBTQIA+ community who goes by the pronouns he/him.

Isa siya sa mga pinagkukwentuhan ko ng pagkahumaling ko kay Kobe kaya alam kong umay na umay na siya sa mga chika ko. Wala naman kasi akong ibang bukambibig kung hindi ang lalaki. But then, sometimes, Eddie still finds it weird how extreme my fangirling abilities are.

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon