CHAPTER 31

467 50 1
                                    

Mari' POV

    Nakarating na kami dito sa condo kaya nag park na ako ng kotse at nakita ko na din si jie na kakarating lang din kaya nag park na din siya ng kotse ni amanda

Binuhat ko na ulit si amanda at saka dinala na sa condo, ilang saglit lang naman ang nilakad ko at ngayon ay nandito na kami sa loob ng condo kaya agad ko ng dinala si amanda sa loob ng kwarto at binihasan ng damit

Inutusan ko muna na bumili si jie ng makakain namin dahil medyo gutom na rin naman kaming dalawa

Kasalukuyang bumibili ngayon ng pagkain si jie sa baba at ako naman ay kanina pa tumititig dito kay amanda, WOOO sobrang ganda niya like parang hindi ko na mapigilan na halikan siya kaya hinalikan ko na, Wala namang makakaalam nun kundi ako lang saka hindi naman niya yun malalaman dahil lasing na lasing siya saka baka nga wala na siyang pakealam sa kung anong mangyari sa kanya ih

𝘑𝘢𝘺𝘥𝘦𝘦 𝘴𝘢𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨, 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘮𝘰 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘣𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘰 𝘮𝘢𝘯𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯? Nagulat naman ako sa biglang sinabi ni amanda, Ano bang akala niya? si jaydee kasama niya ngayon, tsskk medyo nagselos ako dun pero bahala na basta ako ang kasama niya ngayon






Jaydee's POV

Kanina pa kami dito sa bar dahil nag celebrate kami ng pagiging official na mag jowa nina lara at brei then suddenly i saw amanda na buhat buhat ng isang babae na nakasuot ng black na hodie

Hindi ko alam kong kilala ni amanda ang babaeng nagbubuhat sakanya, Hindi ko naman sila malapitan dahil kasama ko ang mga kaibigan ko saka ang girlfriend kong si frances, Baka kasi kung ano pang isipin nila pag nakialam pa ako

Maganda si amanda at alam kong matagal na niya akong gusto pero i think si frances lang talaga ang babaeng pakakasalan ko

𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘢𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘰𝘬? Frances asked me, Hindi ko alam na nakatulala pala ako kanina pa dahil yung utak ko pa fly fly nanaman

𝘖𝘬 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭, 𝘥𝘰𝘯𝘵 𝘸𝘰𝘳𝘳𝘺 𝘮𝘦𝘥𝘺𝘰 𝘯𝘢𝘩𝘪𝘩𝘪𝘭𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘯𝘵𝘪, Sagot ko sakanya at ngumiti naman siya saakin, Hays that smile though hindi nakakasawang titigan at nakakawala ng pagod sa totoo lang

Kami nalang ni gabb at abby ang umiinom ngayon ng alak dahil ang mga kasama namin ay tulog na sa sobrang kalasingan, Inuubos nalang namin ang alak na binili namin at napagkasunduan naman namin na after nun ay uuwi na kami

Ilang sandali ang nakalipas ay natapos na kaming maginom, Medyo kaya pa naman namin mag drive tatlo nila abby at gabb kaya binuhat na namin ang mga iba pa naming kasama papunta sa kotse na dala namin pagpunta dito

Naisakay ko na si frances dito sa kotse ko at saka si lara at brei at sa kotse naman ni abby ay si sela, laney saka si cole ang nakasakay at sa kotse ni gabb ay si coleen, Bago kami umalis ay sinabi muna namin sa mga staff ng bar na iiwanan muna namin ang kotse na natira at bukas nalang namin ito kukunin at pumayag naman sila kaya nilisan na namin ang bar

Magkakasunod lang ang kotse naming tatlo at nakakita naman ako ng pinakamalapit na hotel kaya nag stop muna ako, Bumaba ako ng kotse at tinanong ko si gabb at abby na kung pwedi ay dito na muna kami matulog, Pumayag naman silang dalawa kaya sumakay na ulit ako ng kotse ko at nag drive papuntang parking lot

Nakapag check in na kami kaya binuhat na ulit namin yung mga kaibigan at jowa namin na tulog na tulog dahil sa sobrang kalasingan, Madali lang namin silang nadala sa kwarto dahil isa isa namin silang inilagay sa wheel chair at saka gumamit na din kami ng elevator para mas madali

Until Your Last Breath (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now