Chapter 78

1.7K 133 12
                                    

# CHAPTER79

Gusto kong sumabog sa kakatawa nang makita ko ang mukha ni Otis ngayon pero pinipigilan ko lang. Mabuti nalang din ay walang iba pang nakakarinig ng usapan namin dahil medyo lumayo ang mga tagapagsilbi mula sa amin, syempre, binibigyan nila kami ng privacy bilang mag-asawa. Pero kung hindi rin may lumapit sa amin na isa sa mga mayordomo ni Emperador Audrick, mananatili na ganoon ang ekspresyon namin ni Otis.

Sinasabi ng mayordomo ng emperador na gusto daw ako makausap at inaasahan niya ang aking pagdating na pinaunlakan ko din.

Hindi kaya nagagalit si Emperador Audrick sa biglaang pagsugod ko sa Prerradith at hindi ko na sila hinintay pa ng araw na 'yon? Oo nga pala, kailangan ko din kausapin ang mga Eryndor at ang iba pa dahil sa ginawa ko ang bagay na 'yon. Hindi pa pala ako nakakapagsorry kay Otis. Alam kong labis silang nag-aalala sa akin.

Sa ngayon ay tahimik kaming naglalakad ni Otis patungo sa Throne Room. Hinihiling mismo ni Emperador Audrick ang aking presensya sa hindi ko malaman na dahilan. Basta ang sabi lang sa amin ay importante daw ang tatalakayin at pag-uusapan daw. Ako naman ay si sunod. Samantalang si Otis naman dapat ay mananatili siya sa lugar ng pagsasanay at hindi pa tapos ang kaniyang pagsasanay sa mga kabalyero niya ay pinagpasyahan na sumama sa akin kahit na sinasabi ko sa kaniya na kaya ko naman na daluhin ko ang kaniyang ama nang mag-isa, pero sadyang nagpupumilit siya. Sa huli ay wala na akong magawa pa kungdi hayaan ko nalang na samahan niya ako. Nakasunod lang  ang aming mga tagapagsilbi.

Lihim ako sumulyap kay Otis habang patuloy pa rin ako sa paglalakad. Sinisilip ko kung anong ekspresyon ng kaniyang mukha ngayon. Medyo nagtaka ako dahil seryoso 'yon. Hindi kaya may alam siya kung bakit ipinapatawag ako ngayon ng kaniyang ama sa Throne Room at kung ano ang magaganap?

Hindi ko na magawang magtiis pa. "Otis, may ginawa ba akong hindi kanais-nais kaya ipinapatawag ako ng mahal na emperador?" tanong ko sa kaniya na may kaunting pag-aalala.

Agad siyang bumaling sa akin. Marahan niyang inabot ang isang kamay ko. Humigpit ang pagkahawak niya doon. Isang masuyong ngiti ang umukit sa kaniyang mukha. "Wala kang ginawa upang ikagalit ang mahal na emperador, my rose. Malalaman mo din kung bakit sa oras na makarating na kayo sa kaniyang harap." aniya.

Nanatili pa rin akong naguguluhan sa pero susubukan kong maghintay kung ano ang rason kung bakit ako ipinatawag. Tama, malalaman ko din naman mamaya.

Ilang saglit pa ay narating na namin ang harpa ng malaking pinto na nasa harap namin. May dalawang kawal na nagbabantay sa magkabilang gilid ng naturang pinto. May isang mayordomo din na nakatayo doon.

"Ianunsyo ang presensya ng prinsesa na tagapagmana." malamig na utos ni Otis sa aming mga kaharap.

Nagbow ito sa amin. "Masusunod po, kamahalan."

Habang sinasabi ng mayordomo ang aming pagdating ay kusang gumalaw ang aking kamay at ipinulupot ko 'yon sa isang braso ni Otis, habang ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa aking palda na nakakuyom ang palad. Ewan ko, bigla ako ginapangan ng kaba. Kailangan ko din ihanda ang aking sarili bago ako makarinig ng panenermon nila mamaya.

Agad ako bumaling kay Otis nang marahan niyang hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa kaniya. Ngumiti siya. "Magiging maayos din ang lahat, my rose." malumanay niyang saad.

"Sana nga..." mahina kong sambit.

"Maaari na po kayo pumasok, mga kamahalan." wika ng mayordomo na nag-anunsyo ng aming pagdating.

Sabay na kaming naglakad ni Otis papasok sa loob ng Throne Room. Medyo nasopresa ngunit pilit kong itinatago 'yon nang makita ko ang mga grupo ng lupon, mga opisyal, mga myembro ng monarkiya mula sa iba't ibang kaharian na nasa ilalim ng apat na Imperyo. Nakikita ko din ang mga kilala kong mga mukha. Nakahalo sila sa mga tao at mga bisita na naririto. Nahagip din ng aking paningin ang mga Eryndor, ang Pamilyang Imperyal na Albelin at mag-amang Levanadel. Kahit sina Caldwell, Houstin, at Duke Arundel ay naririto.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon