LXX

2K 161 58
                                    


ABELAINE TRINIDAD

"Umagang kay sakit." bulong ko sa hangin.

Pagak akong natawa. Nakakawalang gana gumising sa umaga kung ganito naman ang bubungaran.

"Oh, mag kape ka muna."

Saglit ko lang pinagtuunan ng pansin ang isang tasang inabot niya sa'kin bago muling ibalik ang atensyon sa nanay ko.

"Ate Abby"

Napahinga ako ng malalim. Kahit ayaw ko, tinanggap ko narin ang kapeng binigay niya.

"Hindi ka pa natutulog." she started. "Magpahinga ka kaya muna? Kahit mga ilang oras lang." bakas na bakas ang pag-aalala sa tono niya ngayon.

Tipid na ngumiti lang ako saka umiling. "Ayaw ko. Hindi rin naman ako makakapagpahinga."

Malalim na paghinga lang ang narinig kong sagot mula sa kanya. Hindi narin naman ako nagsalita pa at mas tinuon na lang ang pansin ko sa unahan.

Gusto kong magwala. Gusto kong ipaghahagis lahat ng bagay na madadampot ko ngayon. Pero wala akong lakas para gawin 'yon. Makita ko palang si mommy na nakahimlay sa kinahihigaan niya, nanghihina na ko.

"Dumadami na ang tao." sambit niya ulit.

Napalunok ako. Wala na akong luhang mailabas ngayon. Mukhang naubos na sa kakaiyak ko mula kagabi hanggang kaninang madaling araw.

"May gusto kabang kainin? Ikukuha kita."

Akmang tatayo na sana siya ng maagap kong nahawakan ang kamay niya para pigilan. "Wala. Busog pa ko Coco." seryosong sagot ko.

"Busog? Ate Abby, hindi ka kumain mula kagabi." I heard her sigh. "Kailangan magkalaman ang tiyan mo. Kahit konti lang."

Hindi ako sumagot. Hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot ko.

"Please?" she begged.

I took a deep breath and nodded at her. "Go"

Dahil sa naging sagot kong iyon, mabilis na umalis ang pinsan ko. Kaya ito ako, naiwan na namang mag-isa dito.

Napatingin na lang ako dito sa tasang hawak ko. Ngumiti ako ng tipid. Kung maibabalik ko lang ang panahon, babalik ako sa panahon kung saan mas makakasama ko si mommy ng matagal.

Ang malas ko naman ata ngayon? Sunod-sunod na ang problemang nangyayari sa'kin. Kulang na lang pati problema ng buong mundo, pasanin ko na ee. Tss.

"Here, kumain ka."

Walang pag-aalinlangan na tinanggap ko naman itong pagkain na inabot niya. Tipid na ngumiti pa ako. "Salamat"

She just tapped my head and sat beside me. "I'm sorry for what happened." puno ng sinseridad na saad niya.

I nodded slowly. Sinimulan ko narin ang pagkain. Kahit na hirap na hirap akong lumunok, pilit akong sumusubo ngayon. Tama naman kasi si Coco, kailangang may laman ang sikmura ko.

"Ang Ate Abea mo, si Frances, nasaan sila?" pagtatanong ko.

She inhaled deeply. "Si Frances nasa kwarto niya, nagkukulong. Si Ate Abea naman, nasa Garden. She's with mom." may kahinaang sambit niya.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon