12: Siargao

1.4K 47 4
                                    

Paggising ko ay ramdam ko agad ang init ng hininga sa aking leeg at nakapalupot na braso ni Trevor. Umayos naman ako ng higa at inayos din ang comforter na tanging nakabalot lang sa aming katawan.


Naramdaman niya siguro ang paggalaw ko kaya lalong humigpit ang yakap niya sa akin at mas dinaganan ang mga hita ko gamit ang hita niya.


"Hindi naman ako babangon," Sabi ko.


He just groaned low and get back to sleep.


Ito naman kasing lalaki na 'to, sabi kong magpahinga na kami kagabi dahil pareho kaming pagod sa birthday niya pero masyado siyang makulit kaya imbes na matulog, nagyugyugan kami dito!


Inidlip ko na lang ulit ang sarili ko dahil Linggo naman ngayon, susulitin ko na ang pahinga ko dahil bukas, may OJT na ulit.


"Mom! Dad! Wake up!"  Si Caliver na patalon talon sa kama namin.


"Let's go to park!" Dagdag pa niya.


Si Trevor naman ay hindi pinansin ang anak namin at lalo lang nagtalugbong ng comforter. Hinampas ko siya at sinipat.


"Bumangon ka na nga! Tinatawag ka ng anak mo!" Saway ko.


"Yes daddy! Wake up now!"


"Let me sleep for more minutes please. " He said in sleepy voice.


Napairap na lang ako at hinila ang comforter mula sa kan'ya. "Napakakulit mo kasi! Sinabi ko na sa'yong magpahinga na lang tayo! Ayan tuloy!"


He chuckled and grabbed my hand. Pinilit akong pahigain sa kama.


"Sorry, okay? It's my birthday anyway, dapat lang na pagbigyan mo talaga ako."


"Oo na, huwag ka nang manumbat. Binigay ko naman na sa'yo ang gusto mo diba?"


"Not yet. 'Pag may bata na sa tiyan mo, doon pa lang ako matutuwa."


Napatingin kami kay Caliver nang suminghap siya. "You mean, you made love here? Does it mean I will finally have a younger sibling?"


"You got it, big boy." Saka bumangon si Trevor at pinaupo sa hita niya ang anak namin.


"How many siblings do you want?" Tanong niya sa anak namin.


"Hmm..." Umakto si Cali na parang nag-iisip.


"Can I have two?" He gestured his two fingers.


"If you wish, then mommy and I will make two more," Trevor playfully smiled.


Napaka kunsintidor niya talaga! Ang sarap niyang sakalin!


Hinampas ko ang braso niya at inaya na silang mag-almusal. Kung saan saan na napupunta ang usapang ito.


Masaya ang mga sumunod na linggo. Walang problema at puro kasiyahan lang ang nararamdaman ko.  Pakiramdam ko, ito na ang pinakamasasayang araw ng buhay ko.


Martes ngayon. Ako lang ang mag isa sa bahay namin bukod sa mga kasambahay. Wala akong OJT ngayon at si Trevor naman, nasa Company.


"Ma'am Tharia, may tao po sa labas. May mga dala pong pagkain. Galing daw po sila sa International Cuisine."


"Ah, sige, ako na ang bahala sa kanila."


Ang International Cuisine ay isa sa business partner ng mga Frenielle. Buti na lang at nandito ako. Hindi ako sinabihan ni Trevor na may darating pala.


All of Her (His Maid Sequel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon