LXXI

1.9K 161 56
                                    


ABELAINE TRINIDAD

"Kaya niyo na siguro dito."

Napamaang ako. Iiwan nila kami dito? Seryoso ba silang dalawa? "Teka, iiwan niyo kami?" pagpigil ko pa sa dalawang 'to ng akma na nila kaming iiwan.

"Oo. Hindi niyo paba kaya Ate Abby?" Coco asked

Napalunok ako. Mabilis ko namang sinulyapan itong babaeng nakapamaywang lang habang seryosong nakatingin sa'kin bago ko ibalik ang atensyon dito sa dalawa.

"Kami narin ba magla-lock ng resto mo?" I asked Brei.

She nodded at me. "Yes. Wala naman ako dapat ikapag-alala dahil pinsan ka naman ni Coco." she seriously said. "Wait nga. Bakit ba? Natatakot kabang maiwan kayong dalawa?" at unti-unti na ngang sumilay ang ngisi sa labi niya.

Umirap naman ako. "Hindi 'no." talaga ba Abelaine? Tss. "Sige na, umalis na kayo." marahan ko pang tinulak si Coco.

Pero ang dalawang ito, tinawanan lang ako. Nang-aasar na kinawayan pa nila ko na akala mo'y nakakatuwa. Akala ko ba naiinis si Coleen kay Brei? Ee paanong parehas pa silang inaasar ako ngayon.

"Hindi paba tayo papasok sa loob? Malamig dito sa labas."

Napakamot ako sa ulo ko. Ano ba namang buhay 'to?

Ako na ang nagbukas nitong pintuan para makapasok na siya. Hindi ko naman maiwasang hindi mamangha pagpasok namin sa loob.

Kung gaani pala kaganda sa labas nitong Resto niya, ganon din dito sa loob. Napaka classic ng style. At kahit ilang problema pa ang pasan-pasan mo, panigurado mawawala 'yon. Ang gaan sa pakiramdam ng paligid. Paano pa kaya bukas?

Mula ng makausap ko si Gia, si Coleen na ang nilapitan ko. Alam kong siya ang makakatulong sa'kin. Hindi naman ako nagkamali dahil siya na mismo ang kumausap kay Brei para gamitin muna namin itong restaurant niya.

"Let's start Abelaine." she seriously said.

Kinuha ko naman itong panyong nasa bulsa ko at itinupi. "Saan ako magsisimula? Sa labas ba?"

But she just staring at me intently. "Aba'y malamang. Doon magsisimula ang counting natin."

Napanguso ako. Ang sungit potek. "Bakit ba ang sungit mo? Meron kaba?" parang ewan na tanong ko pa.

Inirapan naman ako ng magandang dilag na 'to. "Oo, kaya wag kang pasaway."

Napangiwi naman ako. Ay meron. Sayang naman. Hmp.

Hindi na lang ako sumagot at mas piniling lumabas na lang. Hindi pa ko tuluyang nakakalabas ng bigla naman siyang magsalita.

"Be careful Abelaine." she sincerely said.

Napangiti ako. Bumabawi ah.

Katulad ng ginawa ko sa Hospital, nagtakip ulit ako ng panyo sa mata ko. Siniguro ko pang mahigpit 'yon para hindi makalas.

"Ready na ko baby!" sigaw ko.

"Baby mo mukha mo." barumbadong tugon pa niya.

Napatawa ako. Kahit naman wala siyang dalaw, ang sungit niya parin. Wala ng bago. Hay Marsela, tunay kang diyosa. Tss.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon