Chapter 79

1.7K 116 9
                                    


Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib pagkalabas namin ng Throne Room. Medyo natagalan lang ako sa paglabas dahil agad ako dinaluhan ng mga tao upang batiin ako sa pagkapanalo ko laban sa Prerradith. Ipinapangako nila sa akin na gagawin daw nila ang lahat upang maisakatuparan ang panukala ko. Nang marinig ko ang bagay na 'yan, nakahinga ako ng maluwag kahit papaano pero alam ko na marami pang tambak na gagawin. Simula bumalik na ako dito sa Thilawiel ay siya naman ang paghintay ko kina Binibining Edevine at Dukesa Giltha upang ihatid nila sa akin ang balita tungkol tungkulin na ibinigay ko sa kanilang dalawa. Pero sige, baka hindi pa sila tapos kaya maghihintay ako sa magiging ulat nila sa akin.

Medyo nakalayo na kami sa pinto nang Throne Room. Patuloy pa rin kami sa paglalakad ni Otis, balak daw niyang bumalik sa lugar ng pagsasanay habang ako naman ay nag-iisip ng gagawin dahil hindi naman ako mapapapayagan na lumabas. Maliban nalang sa loob ng Palasyo.

"Sandali, prinsipe at prinsesa na tagapagmana!" dalawang boses ang narinig namin mula sa aming likuran.

Pareho kami huminto ni Otis sa paglalakad. Sabay din namin nilingunan ang pinanggalingan ng boses na 'yon. Bahagyang umawang ang aking bibig nang tumambad sa amin ay ang dalawang prinsipe... Sina Prinsipe Mival at ang kapatid ko na si Eomund. Teka, talagang hinabol kami ng dalawang ito hanggang dito?

"Kuya... Prinsipe Mival..." mahina kong tawag sa kanilang dalawa nang hinarap namin sila. "May problema po ba?"

Bahagyang yumuko si Prinsipe Mival, si Eomund naman ay nakapameywang at kumawala ng marahas na buntong-hiinga Bumabawi pa sila mula sa paghingal o anuman. Pagkatapos ay sabay silang tahimik habang papalapit pa sa amin. Pareho namin sila tinitingnan ni Otis na may pagtataka.

"Rini," seryosong tawag ni Eomund sa akin.

"Kuya?"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang bagay na 'yon? Bakit hindi mo muna ako tinanong? Kung alam mo lang na labis ako nabigla sa pasya mo na isa ako sa gagawin mong hari ng gagawin mong bansa." aniya, hindi ko malaman kung nadismaya ba siya o ano.

"Ganoon din ako, Prinsesa Styriniana. Hindi mo nabanggit sa akin ang bagay na 'yon. Sana ay kinausap o ipinakonsulta mo muna sa akin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko nang marinig ko ang panukala mo." segunda pa ni Prinsipe Mival.

"Hindi mo rin sinabi sa kanilang lahat kung anong rason mo kung bakit kami ang pinili mo maging mga hari sa dalawang bansa na 'yon." muling sabi ni Eomund.

Marahan akong pumikit. "Alam ko pong nabigla kayo nang sobra dahil sa sinabi ko pero tingin ko ay nababagay sa inyo ang magiging papel ninyo bilang mamumuno sa dalawang bansa. Kung gugustuhin ninyong pakinggan ang aking rason kung bakit kayo po ang naisip ko, sige, sasabihin ko. Sabihin natin, ayokong mapunta sa wala ang anumang kakayahan at mga bagay kung saan kayo bihasa. At ito na po ang tamang panahon upang bigyan kayo ng pagkakataon at ipamalas sa kanila kung ano ang kaya ninyong gawin."

Kumunot ang noo ni Eomund. Mas lalo nagtataka si Prinsipe Mival sa sinabi ko. "Anong bang ibig mong sabihin, Rini? Hindi ki maitindihan." tanong ni Eomund.

Isang marahan na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. "Pareho po kayong pangalawang prinsipe." idinilat ko din ang aking mga mata. Tumingin ako ng diretso kay Eomund. Natigilan siya nang nagtama ang aming tingin. "Kuya Eomund, matagal na po kitang nakasama sa iisang bubong sa loob ng mahabang panahon. Lingid sa 'yong kaalaman, nakikita ko kung papaano mo nahahawakan nang maayos at maganda ang administrasyon. Habang nasa digmaan sina papa at kuya Raegan, kusang mapupunta sa 'yo ang mga responsibilidad na kanilang iniwan habang wala sila sa Cyan. Nakita ko kung gaano ka kagaling sa paggawa ng bawat desisyon na nakahain sa 'yo. Napapanood din po kita kung papaano ka nakikipag-usap sa bawat lupon at opisyal ng Cyan. Hindi lang ako at si kuya Cederic ang magagawa mong alagaan, kahit ang mga Cyanian ay nagawa mong alagaan at mahal na mahal mo. Papaano pa kaya kung mismong mamamayanan mo na ang panumunuan mo?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon