Kabanata 35

13.1K 429 33
                                    

Kabanata 35

"Bakit sa Batanes mo naman naisipan pumunta, Sweetie?" Medyo sinasanay ko nang tawagin siyang Sweetie, kaysa sa Konsi, dahil Mayor na siya at siyempre para sweet.

"You'll find out when we get there." Humilig ako sa balikat niya at kumapit sa braso niya. Nasa loob na kami ng aircraft.

Madalang daw ang flight papunta doon, at next week pa ang kasunod— na siyang balik namin.

"One week talaga tayo?" Tanong ko pa sa kaniya.

"If I could extend it a little more, why not?" Hinampas ko siya ng mahina sa braso.

"Iniisip ko lang po ang anak mo, hindi ako nag-aasam ng extend." Umikot ang mata ko sa sinabi kong iyon.

"Pero ako, gusto ko ng extension para masolo ka." Seryosong sabi niya na tumitig sa mga mata ko. Bumilis bigla ang pintig ng puso ko.

"Excuse me, Mister Mayor! May mga kailangan ka pong i-fulfill as newly elected Mayor kaya bawal ka pong mag-extend." Sita ko sa kaniya, namewang pa ako kahit nakaupo kami

"Yes, future Misis Zaragoza." Kinilig ako sa itinawag niya sa akin. Parang gusto ko na tuloy siyang pakasalan ngayon din.

Nagtawanan kami pagkatapos noon. Hawak-hawak ni Konsi ang kamay ko  sa buong byahe, nasa tabing bintana ako kaya nakatanaw ako sa labas. Medyo nahilo pa ako dahil medyo maalog ang byahe.

Kulang-kulang dalawang oras daw ang byahe ng Manila to Batanes.

"'Tart, we're  here." Tinatapik ako ni Konsi sa balikat, nakasandig kasi ako sa kaniya. Hindi ko namalayang nakatulog ako.

Tumingin ako sa paligid, nakatayo na ang ilang pasahero at kinukuha ang mga maleta nila sa overhead cabin.

Tumayo na si Konsi upang kunin ang mga bagahe namin sa itaas, naghanda na rin ako para sa pagbaba, pinahupa na muna namin ang dagsa ng mga taong bumababa, bago kami lumabas.

Maliit lang ang Basco, Batanes Airport, ayon na rin nga kay Konsi bibihira ang mga byahe rito. Mabato ang mga imprastraktura rito gaya ng mga nakikita ko sa internet na mga pictures.

"Sweetie?" Nilingon ako ni Konsi mula sa paglalakad palabas ng airport. Tumakbo ako palapit sa kaniya at nangunyapit sa leeg niya. Siniil ko siya ng halik sa labi. Nang maubusan ng hininga ay tumigil ako. I don't care if this was a public place. Kaunti lang naman ang mga tao.

Tumitig ako sa mga mata niya. Amusement was in his eyes. "Thank you." Pinakita ko sa kaniya ang pinakamaningning kong ngiti.

"Everything for you, 'tart. Hindi ko nalimot ang sinabi mong gusto mong pumunta rito, isang araw." Nakangising sagot niya. "Now let's go, before I think of stripping you here and made love with you in this airport."

Nanlaki ang mga mata ko at nag-init ang pisngi sa mga sinabi ni Konsi. Mabilis na bumitaw ako sa kaniya at nauna lumakad. I heard him chuckled.

Sumunod na sa akin si Konsi. Isang vintage car ang sumundo sa amin mula sa airport. Mga tatlumpung minuto ang inabot ng byahe bago kami nakarating sa isang bahay. Habang nasa byahe ay nakatanaw ako sa magandang daang binaybay namin. Para kaming nasa bangin tapos tanaw ang dagat na kitang-kita ang mga hampas ng alon sa mabatong dalampasigan.

"Kaninong bahay ito?" Bumaling ako sa kaniya na nakasunod sa akin. Isa itong bungalow house na gawa sa adobeng bato. "Rented?" Nakataas ang kilay na tanong ko pa.

"Hmm, it is a property of my Ninong here." Nakangising sagot niya.

"Ang layo naman ng ninong mo." Tumawa lang ito.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon