Kabanata 38

11.1K 399 14
                                    

Kabanata 38

Bumalik sa normal ang buhay naming mag-asawa. May mga pagkakataon pa ring nalulungkot ako sa tuwing maaalala ang failed first pregnancy ko. Pero hindi ako pinabayaan ng asawa ko. Kasama ko siya sa paghihilom.

May mga pagkakataong naiiyak ako, pero kailanman hindi ko naranasang mag-isa ako. Lalo noong unang buwan after ng procedure. Halos gabi-gabi akong umiyak. Wala akong gana sa lahat ng bagay. Pumapasok lang ako sa school at matutulog kapag uuwi. Hindi ako nakakakain ng maayos.

Sa tulong ng asawa ko unti-unti ko iyong na-overcome.

Matapos ang ginawang procedure ng pag-aalis ng bythed ovum ay nag-desisyon kami na mag-pills na muna ako. Sinabi ko sa kaniya na unahin ko munang tapusin ang pag-aaral ko gaya ng unang napagkasunduan. Ayaw sana niya pero nakiusap ako. Kaya pumayag rin siya sa huli.

Naging regular na rin ang pagpapatingin ko sa OB-gyne. Mas mainam daw ang ganoon kapag may asawa na. Para nasisiguradong healthy ang babae sa panahong nais na niya mag-anak.

Sinamahan ako ngayon ng driver. Nasa conference ang asawa ko at kasalukuyan kaming nasa bahay sa Maynila. Kaya naisipan ko nang dumaan ngayon sa clinic ni Doctor Romero. Si Cassia ay idinaan ko kanina kay Mamita.

Tatlong buwan na rin ang lumipas mula nang magkaroon ng failed pregnancy. Masasabi kong natanggap ko na iyon at ayos na ako.

Sa buhay mag-asawa ay hindi rin naman maiiwasan ang mga 'di pagkakaunawan at mga ilang bagay, pero sa pagtatapos ng araw, kailangan pa rin naman ayusin ang lahat. Basta maganda lang ay open communication sa lahat ng bagay.

"How are you, Misis Zaragoza?" Masiglang bati ni Doctor Romero. Maraming tao  ngayon sa clinic pero naka-reserve naman ako. May Doctor din pala sa kabila. Doon ang marami ngayong pasyente.

"I'm good. Healing." Nakangiting sagot ko.

Kinumusta niya lang ako sa mga nararamdaman ko kung may side effect ang pills na pinagagamit niya. Tapos umalis na rin ako.

Saktong labas ko ng clinic ay may nakasabay ako. Napalingon ako sa babaeng nakasabay ko sa paglabas ng pinto. Pero nagmamadali ang babae. Sinundan ko siya.

"Max?" Paninigurong tanong ko. Huminto siya sa paglalakad, bumaling sa akin pero hindi humarap ng tuluyan. Napatingin siya sa baba at tinakpan ng bag niya ang kaniyang katawan.

"Aria." Mahinang bati niya. "How are you?"

"Ikaw ang kumusta? Matagal ka nang hindi nagagawi sa Batangas."

"I-I w-was just busy. I heard about your wedding months ago. Congratulations." Ngumiti siya pero parang hindi na siya komportable.

"Thank you." Isang ngiti ang binigay ko sa kaniya.

"Uhm, Aria." Sumulyap siya sa akin at napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa bag niya. "I have to go. M-may hinahabol kasi ako."  Halos mabulol na sabi niya.

"Hindi mo ba kasama si Elliot?" Tumingin pa ako sa may parking kung nandoon si Elliot.

"No, ako lang... uhm. May dinaanan."

"Ah, ganoon ba? Okay, Ingat." Paalam ko dahil mukhang nagmamadali siya.

"Nice to see you. Bye." Mabilis ang mga hakbang niya at pinara agad ang dumating na taxi. Napailing na lang ako, at pinuntahan ang parking ng sasakyan.

Sumakay na ako sa kotse at nagsabi na babalik kami kina Mamita.

"Apo, blooming ka. Hiyang ka sa dilig?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mamita. Loka talaga 'to.

"Aba nung edad kong ganyan, araw-araw kami at gabi-gabi." Tatawa-tawang sabi niya.

Pansin ko ngang naging mamula-mula ang kutis ko at kuminis. Hiyang yata ako sa pills na gamit ko.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon