LXXII

1.4K 137 19
                                    


ABELAINE TRINIDAD

"I'll pretend that I can see her." she said. "That's the plan."

Napangiti ako habang nakatitig sa kanya. Wala naman sigurong masama kung ang cute niya ngayon sa paningin ko diba?

Kasi naman, sino bang hindi matutuwa sa kanya? Nakaharap siya sa salamin habang kinakausap ang sarili.

Ilang beses pa siyang kumatok sa salamin. "You can do it Gia. Acting lang ang gagawin mo. Magaling ka dun."

Napatawa na lang ako habang napapakamot sa ulo ko. "Psst. Okay kana ba?" pagtawag ko sa pansin niya. "Guinevere"

Dahan-dahan naman ang pagkilos na ginawa niya para makaharap sa'kin. "I'm" she breath hardly. "Nervous"

I chuckled. "Ang isang Guinevere Muse, kinakabahan. Wow. Bago 'yon ah."

Mabilis ang paghakbang na ginawa ko para lapitan siya. Inayos ko na rin ang suot niya at bahagyang pinagpagan 'yon. "Wala ka namang dapat ikakaba." I jokingly pinched her nose. "Naturuan kana ni Coco diba?"

She immediately nodded. "Oo, kaso hindi ko parin maiwasang hindi kabahan." sagot pa niya. "Paano kung madapa ako? Matapilok, mauntog, nakakahiya."

Napahagikhik na lang ako at marahang tinapik ang ulo niya. "You can do this. Settled na ang lahat, ikaw na lang ang kulang." pag-aalalo ko pa sa kanya.

She took a deep breath. "Yeah, thank you." halos pabulong na sambit pa niya. "Actually, I can't trust myself right now. But I'll do this, cause I trust you Abby."

Saglit pa kong natigilan pero ngumiti rin kalaunan. Tinapik-tapik ko pa ang braso niya. "I trust you a lot Guinevere. Kaya dapat lang na magtiwala ka rin sa sarili mo."

Maliit na bagay lang 'tong ginagawa ko para kanya kumpara sa mga nagawa niya para sa'kin.

"Ako ang magsisilbing mata mo Gia habang nandito ka." punong-puno ng sinseridad na dagdag ko pa. "Papatirin lang kita pero hindi kita papabayaan." pagpapatuloy ko.

Marahan naman niya kong tinulak sa braso dahilan para mapatawa ako. "Sige lang, subukan mo 'kong patirin tatadyakan talaga kita." ganti niya

Napatawa pa ako bago siya akbayan. "Tara na nga. Baka nagagalit na si Madam Belle at wala pa tayo."

Tinawanan lang naman niya ko bilang tugon. Akmang gagamitin pa niya ang tungkod ng mabilis ko 'yong inagaw sa kanya.

"Hindi mo na muna 'to kailangan. I told you, ako ang magsisilbing mata mo." I tapped her head. "Trust me my friend."

Nakangiting inakbayan din niya ko. "Siguraduhin mong hindi ako matatapilok Trinidad ah. Bubutasin ko talaga 'yang bunbunan mo."

I laughed hard. "Sige lang, magbutasan tayo ng bunbunan dito. Game ako."

"Gaga" natatawang ganti pa niya.

Tatawa-tawa kaming naglakad patungo sa sasakyan. Katulad nga ng pinangako ko, ako ang nagsilbing mata niya. Puno ng pag-iingat ko siyang inalalayan hanggang sa makahinto na kami sa tapat ng sasakyan ko.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon