Chapter 5

139 7 2
                                    


Xyrene's POV,

Nasa byahe na kami ni Azu halos isang oras at kalahati 'din ang byahe dahil nasa batangas na kami nakatira. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyare mamaya dahil hahawak na ulit ako ng baril.

Tahimik lang ang buong byahe namin wala 'rin naman akong balak kausapin si Azu dahil mukhang may iniisip 'din siya. Malapit na 'rin kami dahil lagpas na kami ng isang oras sa byahe namin. Binuksan ko na 'yung bintana ng kotse para makasagap ng hangin dahil mukhang nalula na ako sa loob ng kotse.

Napatingin nalang ako kay Azu ng may kausap siya sa phone niya at hinugot ang baril na nasa bewang niya na parang naghahanda.

Hininto niya na ang sasakyan ng nasa tapat na kami ng building saka siya lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. Lumaki pa ang mata ko ng makita kong may hawak ng baril ang kanang kamay niya at ng makarinig ako ng putok ng baril mula sa loob ng building.

"Linusub kami ng mga kalaban. Sumunod ka lang sa akin wag kang lalayo hangga't nagkakagulo pa. Manatili ka nalang muna sa likod ko." Sabi niya kaya wala akong magawa kundi ang sumunod sa kaniya. Kaya pala ang daming sasakyan na nagkalat dahil linusub sila.

Nakasunod lang ako sa kaniya habang nagtatago kami sa bawat kotseng madaanan namin. Kinakabahan tuloy ako baka matamaan ako ng bala ng wala sa oras.

~Banggg!

~Banggg!

Unti-unti ng umingay ang paligid dahil sa sunod-sunod na putok ng baril hanggang sa may nagsidatingan na namang mga kalaban. Kaya parang nakaramdam na ng kaba si Azu dahil kami lang ang nasa labas.

Nagpapaputok 'rin siya at lahat ng naputokan niya ay patay agad halatang bihasa na talaga sa barilan. Kaya lang kami lang ang mapupuntirya neto ng kalaban dahil kami ang una nilang makikita. Wala 'ring tutulong kay Azu kaya kawawa kami, pwede naman siguro akong tumulong dahil maruno naman akong humawak ng baril.

Kakalabitin ko na sana si Azu ng may isang lalaking nakatutok ang baril sa kaniya kaya hinugot ko ang baril ni Azu na nakausli sa bewang niya at saka ko pinutok 'dun sa lalaki.

~Banggg!

Saka bumulagta 'yung lalaki at gulat namang tumingin si Azu sa akin kaya napatango nalang ako at ngumiti. Para na akong wala sa sarili at bihasa ng humawak ng baril dahil nagpapaputok na ako sa mga kalabang nakikita ko.

Tumawid pa ako sa isang sasakyan habang gumugulong at pinaputukan ang lalaking muntik ng barilin ako. Hindi 'rin ako makapaniwala dahil na kaya kong makipagbarilan. Kailangan kong lumaban dahil talo kami kong tutunganga lang ako sa tabi ni Azu total ito naman talaga ang gusto ko na matuto.

Panay paputok lang ako sa mga madadaanan kong kalaban hanggang sa maubusan ako ng bala.

"Subukan mong gumalaw sasabog 'tong ulo mo!" Banta ng lalaki sa likod habang tinutukan ako ng baril. Pumikit pa ako sandali saka dumilat at bumuntong hininga. Nagulat pa ako sa sunod kong ginawa dahil naagaw ko ang baril na walang kahirap-hirap saka pinutukan ko 'yung lalaki.

Putok dito putok doon ang ginawa ko dahil parang hindi nauubos ang mga kalaban. Hindi ko inaasahang mararanasan ko 'to ngayon. Ensayo lang naman ang gusto kong mangyare sana ngayon pero mukhang mas higit pa pala.

Kumukuha lang ako ng baril sa mga kalaban na nakabulagta na kapag nauubusan na ako ng bala. Medyo kakaunti na 'din ang mga kalaban dahil kanina lang naman kami nagbabarilan. Hindi ko man lang napansin na nasa likod ko lang pala si Azu nakikipagbarilan 'din.

Ilang sandali lang ng magsilabasan na sila Azi, Bryan, Marven at Josh na gulat na gulat habang nakitingin sa akin na nakikipagbarilan. Gusto ba nilang mabaril nakakatunganga lang kasi, alam ko namang hindi lang sila makapaniwala na aabot ako sa sitwasyong 'to ako 'din naman e. Tumulong na sila sa pakikipagbarilan hanggang sa natapos na ang gulo. Inutusan lang ni Bryan ang ilang mga tauhan nila na ligpitin lahat ng kalat saka kami tumuloy sa loob ng building.

New Life With The Mafia Boss (Book 2)Where stories live. Discover now