13: Hide and Seek

1.8K 55 16
                                    

"Andiyan po ba si Yvet Pagao?" Tanong ko doon sa nakita kong nagwawalis sa labas ng bahay. Dito daw 'yung bahay ni tita. Hindi ko na maalala dahil pina-renovate ata nila.


"Andiyan po siya sa loob." Sagot niya.


"Salamat po," Ngumiti ako at kinatok na ang bahay.


Isang lalaki ang nagbukas ng pinto na pamilyar sa akin. "Sino po sila?"


"Kevin?" Tanong ko.


"Huh? Sino ka?" Kumunot ang noo niya.


"Ako 'to! Si Tharia! 'Yung anak ni Teresse! Hindi mo ba 'ko naaalala?"


"Tharia? Solenne?" Nanlaki ang mata niya.


"Oo!" Saka ako nagtatalon at yumakap sa kan'ya.


Siya lagi ang kalaro ko dati. Ang laki na ng pinagbago niya. Dalawang taon ang tanda ko sa kan'ya. Siguro ay may asawa na rin siya ngayon.


"Ang tagal nating hindi nagkita ah?" Pinisil niya ang pisngi ko.


"Oo nga e. Ang huling kita natin ay 'yung paalis na kami dito pabiyaheng Manila."


"Ang laki ng pinagbago mo! Parang dati lang kasama kita laging maligo sa ilog! Tapos ngayon napakabigatin mo na! Balita ko may-ari daw ng Airlines ang asawa mo?"


Nawala agad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Kaya nga ako lumayo para makaiwas muna kay Trevor pero maging dito ata ay pangalan niya ang maririnig ko.


"Uh, oo. Nasaan nga pala si tita Vet?" Pag iba ko sa usapan.


"Nasa kusina! Tara pumasok ka! Akin na 'yang bag mo."


Ngumiti naman ako saka binigay sa kan'ya ang bag.


"Ma! Andito si Solenne!"


"Sino kamo?" Rinig kong sigaw ni tita.


"Si Tharia!"


"ha?!" Nakita kong patakbo kaming sinilip ni tita Vet at nanlaki ang mata niya no'ng nakita ako.


"Si Tharia 'yan?! Bakit... Bakit..." Hindi naituloy-tuloy ni tita ang sinasabi niya dahil sa gulat.


"Opo, ako po ito."


"Baka kawatan ka ah! Hindi gan'yan kaganda ang pamangkin ko!"


Natawa na lang ako. Hindi pa rin nagbabago si tita.


"Siya nga 'yan ma!" Asik ni Kevin.


"Naku!" Lumapit siya sa akin. "Ang tagal nating hindi nagkita, buti naisipan mong bumisita? Parang noong nakaraan lang ay iniisip ko ang mama mo saka ikaw kung kumusta na kayo tapos ngayon nasa harap na kita! Nasaan nga pala ang mama mo? Bakit hindi kasama?"


"Nasa bahay po. B-biglaan ko lang din po kasing naisipan na magpunta dito kaya hindi ko na siya nasabihan."


Tumango siya at pinaupo ako. Binigyan niya rin ako ng tubig at bibingka.


"Ano bang sadya mo dito iha? Hindi ka man lang nag text muna para nakapaghanda ako."


"Hindi na po kailangan. Nandito naman po ako bilang tourist, magchecheck-in na lang po ako sa hotel n'yo. Gusto ko po kasing magbakasyon at dito ko naisipan."


"Bakit magchecheck-in ka pa? Pwede ka namang dumito sa bahay!" huwestiyon ni tita.


"Hindi na po, makakaabala pa 'ko sa inyo."


All of Her (His Maid Sequel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon