LXXIII

1.2K 117 27
                                    


ABELAINE TRINIDAD

"Lagi kang wala. Kapag tinatanong ko si Coco kung nasaan ka, lagi niyang sinasabi na nagpapahangin ka lang." he started. "Saan kaba talaga napunta anak?" kalmadong tanong niya.

Napahinga ako ng malalim. "Sorry Dad." 'yan lang ang tanging namutawi sa'kin.

Marahan pa niyang tinapik ang balikat ko. "Hindi ko alam kung saan ka naglalagi Abelaine, pero sana hindi mo pinapahamak ang sarili mo." mahinahong pagpapaalala pa niya.

Hindi ako sumagot. Seryosong nakatuon lang ang pansin ko sa pangalan ng ina ko na nakaukit ngayon sa lapida.

Tuluyan na namin siyang nahatid sa huling hantungan niya. Unti-unti naring umaalis ang mga tao habang ako ito, mas piniling manatili dito sa tabi niya.

"Abelaine"

I took a deep breath. "Dad pwede bang wag na ko umuwi? Dito na lang ako. Sasamahan ko na lang si mommy dito." mahinang sambit ko pero sapat lang para marinig niya.

Hindi na ako nagulat ng mabilis niya akong akbayan at marahan niya pang isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Alam ko mahirap. Pero kakayanin natin." he tapped my shoulder. "Dapat nating kayanin. Sa ating dalawa na lang kakapit ang mga kapatid mo, pati ba naman ikaw susuko rin?"

Kasabay ng pagyuko ko ay siyang pagpatak ng luha ko. "S-sorry" garalgal na sambit ko.

Marahan niya pang dinampian ng halik ang noo ko. "Hintayin ka na lang namin sa parking."

Hindi na ako sumagot. Hinayaan ko na lang siyang iwan ako dito mag-isa. Iyon din naman ang gusto ko. Gusto ko mapag-isa.

Dahan-dahan akong umupo dito sa damuhan. Nanginginig pa ang kamay na hinawakan ko ang pangalan niya. Mapait na napangiti pa ako habang patuloy na dumadaloy ang luha sa pisngi ko.

Galit na galit ako sa sarili ko. Hinayaan ko siyang mawala ng hindi man lang ako nakakapagpasalamat sa kanya.

"Help me mom." I started. "Tulungan mo 'kong makabangon muli, p-please."

Nayakap ko ang dalawang tuhod at doon umiyak.

"Abby"

Hindi ko siya nilingon. Naramdaman ko pa ang pag-upo niya sa tabi ko pero hinayaan ko na lang.

Marahan pa niya kong hinawakan sa balikat ko. "Sige lang umiyak ka lang. Dito lang ako."

Napahagulgol ako. Para pa akong bata na mas lalong isinubsob ang mukha sa pagitan ng tuhod ko at doon umiyak.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako sa ganoong posisyon. Napaayos na lang ako ng sarili ng sa tingin ko naman ay naubos ko na lahat ng luha ko.

"Oh, tubig."

Walang pag-aalinlangan kong kinuha itong boteng tubig na inabot niya. Nahihiyang ngumiti pa ko sa kanya. "Thank you Dana."

She just nodded and tapped my head. "Ako proxy ni Gia. Kaya habang wala siya, akong bahala sayo."

Napailing na lang ako bago uminom dito. Doon lang din ako nakahinga ng maluwag kahit papaano.

"I'm sorry for your lost Trinidad."

Nanlaki ang mata ko. Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na 'yon. Agad din akong napatayo para magkapantay kaming dalawa.

Napalunok ako. "Justin"

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon