CHAPTER 33

414 48 2
                                    

𝙁𝙊𝙍𝙒𝘼𝙍𝘿 (3 𝙬𝙚𝙚𝙠𝙨 𝙡𝙖𝙩𝙚𝙧 )
   

Kielle' POV

   Maagap akong pumasok ngayon at kasabay ko nanaman pala si frances dahil sabi ko sakanya isasabay ko nalang siya if hindi ulit sila magsasabay ni jaydee sa pagpasok

Hindi kasi siya maisasabay ni jaydee dahil may emergency daw nangyari at hindi naman namin alam kong ano yung emergency na yun dahil hindi naman sinabi ni jaydee

Nagtataka na ako sa ikinikilos ni jaydee this past few weeks dahil andami niyang reason na sinasabi kay frances para lang hindi sila magkasabay sa pag pasok sa school kaya ako nalang ang sumusundo kay frances para maisabay ko siya sa pagpasok ko

Kakarating lang namin dito sa school kaya hinatid ko na muna si frances sa room niya dahil napapansin kong medyo madali na siyang napapagod kahit kunting galaw lang niya

𝘈𝘭𝘪𝘴 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘧𝘳𝘢𝘯𝘤𝘦𝘴, 𝘪𝘸𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘥𝘪𝘵𝘰, Paalam ko kay frances at napansin kong napilitan lang siyang ngumiti

Halos 3 students palang ang nakita kong tao na nandito sa room nila frances kaya hindi na ako nahiya na yakapin siya

Niyakap ko siya at bahagya naman siyang nasaktan kaya agad kong tinagkal ang pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan niya naman ang braso niya

Nagtaka na ako sa kanya kaya pinilit ko siya na ipakita niya sakin ang braso niya na may sugat or something na ano dun

Hindi ko alam kong magagalit ba ako o maaawa dahil sa nakita ko, Sobrang laki ng pasa ni frances sa braso niya at hindi naman niya sinasabi kong napano yun

Si jaydee kaya ang may gawa nun? o baka naman napabangga lang siya sa isang bagay kaya nag kapasa siya sa braso niya

Sinamahan ko na si frances sa upuan niya at pagkatapos nun ay lumabas na ako ng room niya

Nag lalakad na ako ngayon papasok sa room ko habang iniisip ko padin kong anong nangyari sa pasa ni frances

𝘏𝘰𝘺 𝘴𝘢𝘯 𝘬𝘢 𝘥𝘪𝘺𝘢𝘯? Nagulat ako dahil may biglang tumapik sa balikat ko at nakita ko naman si alice

𝘚𝘢 𝘳𝘰𝘰𝘮 𝘣𝘢 𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘮𝘰 𝘬𝘪𝘦𝘭𝘭𝘦? 𝘏𝘈𝘏𝘈 𝘭𝘢𝘮𝘱𝘢𝘴 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘰𝘩! Sabi naman ni sheki at nakita ko naman na lampas na nga ako kaya bumalik ako kung saan nandun ang room namin

𝘈𝘣𝘢 𝘨𝘢𝘨𝘰! 𝘴𝘯𝘰𝘣𝘣𝘦𝘳 𝘬𝘢 𝘯𝘢? Sabi ni sheki, Hindi ko kasi sinagot mga sinasabi nila dahil paulit ulit bumabalik sa utak ko kung napano ba yung pasa ni frances sa braso niya

𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘢𝘩, 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘰𝘰𝘥! Pagsisinungaling ko nalang sakanila at agad na akong dumeretso sa upuan ko

Ilang saglit pa ay tumunog na ang bell at hudyat ito na oras na ng klase para sa first subject kaya umayos na ako sa pagkakaupo

𝘎𝘰𝘰𝘥 𝘮𝘰𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘤𝘭𝘢𝘴𝘴, 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘥𝘪𝘴𝘤𝘶𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘵𝘰𝘥𝘢𝘺, 𝘣𝘶𝘵 𝘱𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘨𝘪𝘷𝘦 𝘮𝘦 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘱𝘳𝘰𝘫𝘦𝘤𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘤𝘩𝘦𝘤𝘬 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘮𝘢 𝘣𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘰! Sabi ng teacher namin na kakadating lang

Naiwan ko ang project ko sa kotse ko kaya nag paalam muna ako sa teacher namin na kung pwedi ay lumabas muna saglit para makuha ko yung project ko na naiwan sa kotse

Until Your Last Breath (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now