Chapter 50

66.5K 1.2K 169
                                    

Miracle opened her eyes as she felt her nakedness under the blanket. Mabilis niyang nilipat ang tingin sa kama ngunit hindi niya nakita ang asawa roon.

"Trigger?" she called his name using her sweet voice, pero walang sumagot sa kaniya.

Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama at nagbihis kahit pa bahagyang nananakit ang mga binti niya. Pagkatapos magbihis ay agad siyang lumabas sa kwarto nila ng asawa at natagpuan ang isang babae sa sala na abala sa paglilinis.

"Ma'am Miracle? Gising na po pala kayo. Pinapasabi po ni sir Trigger na mauna na raw po kayong mag-umagahan dahil may aasikasuhin lang daw po siya saglit," saad nito.

Miracle quickly flashed a sweet smile. "Salamat po. Kumain na rin po ba kayo?"

Tumango ang matanda at ngumiti sa kaniya pabalik. "Opo, halika po, ipaghahanda ko na rin kayo."

Sinundan niya ang matanda sa kusina na talagang pinagsilbihan pa siya, she kept on saying thank you for the old woman's gestures. Ngumingiti siya rito kahit may dinadamdam siya sa loob-looban.

Gusto niyang magtampo sa asawa dahil hindi niya ito nakita pagkagising niya. He's supposed to wait for her to wake up and cuddle with her, bakit naman bigla itong umalis nang hindi nagpapaalam?

She realized that every time Trigger's inviting her for a vacation, he never involved his business to spend time with her. Pero ngayon, puro trabaho pa rin ang nasa isip nito kahit magkasama sila.

"Ang ganda n'yo po pala talaga. Naririnig ko po kasi sa mga katrabaho ko na sobrang ganda ng asawa ni sir Trigger, akala ko nga po ay nagbibiro lang sila pero ngayong nakita ko kayo sa malapitan ay naniwala na po ako." She giggled with what the helper said.

"Naku, nakakahiya naman po. Pero salamat po sa papuri. Hindi ko po alam na pinag-uusapan po pala ako rito. Matagal na po bang kilala si Trigger dito?" she asked curiously.

"Hindi naman po ganoon katagal, pero minsan po kasi kapag magkakasama silang magkakapatid ay ito ang pinipili nilang hotel kaya habang tumatagal ay nakilala na rin po namin sila," sagot ng kausap.

Kumunot ang noo niya. "Magkakapatid? His brothers? Hindi po ba kayo natatakot sa kanila? Dalawa pa lang po kasi 'yung nakita kong kapatid ng asawa ko kaya hindi ako sigurado sa iba."

"Naku, ma'am! Noong una ay akala talaga namin matapobre silang magkakapatid. Sa tindig ba naman ng mga katawan nila, ang tatangkad pa 'saka ang gugwapo! Akala namin ay kagaya sila ng mga artistang minamaliit kami, pero hindi naman po gano'n ang ugali nila. Sa pagkakarinig ko po sa boss namin, sila pa nga yatang magkakapatid ang nag-i-sponsor dito sa resort para tumaas ang sweldo ng mga trabahador. Kagaya ko po, dati ay nasa sampung libo lang ho yata ang sweldo ko sa isang buwan. Pero ngayon ay doble na." Seryosong nakikinig si Miracle sa kwento ng matanda. And after hearing everything, she unconsciously smiled.

Trigger, and his brothers, helping everyone they can. It almost sounded impossible but she heard it loud and clear. She's too fast to judge this family without even trying to know them.

Pero gano'n naman kasi ang lahat ng tao. For the past five years, palagi siyang nakakabasa ng mga balita tungkol sa kalupitan ng pamilyang Knights sa mga kalaban nilang kompanya. News and gossips everywhere. Their names are even included in the list of ruthless business men, and they're considered as the most powerful family in the whole world.

Kaya siguro naging normal na sa ibang tao na katakutan at husgahan ang pamilyang Knights, and she's one of them.

Pakiramdam niya ay napakasama niyang tao para husgahan ang asawa, para sabihin na makasarili pa rin ito kahit ilang taon na ang nakalipas. And she also felt bad for hating Dagger who only wanted to protect his brother.

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon