. . . ⇢ 081 ˎˊ˗

226 21 2
                                    

━━ jasmine's.

"JASMINE!"

agad kumunot ang noo ko matapos marinig ang napaka lakas na sigaw ni tita sandra. sabado ngayon at kasalukuyan kong inaayos ang mga labahin ko kasi opo, maglalaba si señorita jasmina.

"BAKIT PO?" sigaw ko din pero with respect syempre baka masampal pa 'ko e.

"BUMABA KA DITO!" sigaw niya pabalik.

i couldn't help but roll my eyes. ayoko talaga ng naiistorbo ako kapag busy ako pero dahil si tita sandra 'yan ay sige lang, sa kanya naman ako nakatira kaya wala akong karapatang magreklamo.

tanda ko pa naman 'yung lesson namin sa ESP 'no at sabi don 'wag pumatol sa mga gurang para hindi mapaaga ang deliver papuntang langit- charot!

at gaya nga ng sinabi ni tita, nagsimula akong bumaba sa hagdan at hindi pa man ako nakakahakbang sa huli sa pangalawa ay agad din akong natigilan nang makita ang isang lalaki na nakaupo sa sofa.

nakaayos ito at hindi ko alam kung bakit. nakita ko pa ang tatlong box ng pizza sa mini table namin. pansin ko din ang pag-ngiti niya sa akin pero inirapan ko lang siya at bumaling kay tita sandra na ang lapad ng ngiti.

bago pa 'ko makapagsalita ay inunahan niya na 'ko. "hindi mo naman sinabing nakauwi na pala si heeseung mula states. anyway, gusto ka pala yayain nito lumabas kaya ako na ang maglalaba. sumama ka na sa kanya."

bahagya akong nagulat sa sinabi ni tita, hindi dahil sa niyayaya daw ako ni heeseung lumabas kundi dahil siya daw ang maglalaba. wow, salamat po sa anghel na sumapi kay tita sandra.

teka.

masaya ako na hindi na 'ko maglalaba ngayon pero ang makasama ang lalaking 'to?

napatingin ako sa gawi ni heeseung at muling bumaling kay tita sandra para sana magsalita pero muli na naman 'yong naputol nang bigla akong itulak ni tita palapit kay heeseung.

muntik pa nga akong masubsob pero mabuti na lang nahawakan ako kaagad ni heeseung- ay hindi pala mabuti 'yon. sinamaan ko si heeseung ng tingin at kaagad lumayo mula sa pagkakahawak niya sa akin.

natawa lang siya. "tara na?"

"pumayag ako, aber?" taas kilay kong sagot pero muling umepal si tita at tinulak na lang kami bigla palabas ng bahay.

"sige na hijo, dalhin mo na 'yang maldita kong pamangkin. pwede din 'wag mo na ibalik!" rinig kong sabi ni tita sandra saka natawa pa. "sige, enjoy!" at pagkatapos non ay sinarado niya na ang pinto.

"hindi naman excited si tita sandra na paalisin ka 'no?" kaagad kong siniko si heeseung, napaaray siya pero tumawa pa rin ang gago.

hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula na lang maglakad palayo sa kanya. bahala na kung saan ako dalhin ng paa ko, ang mahalaga ay makalayo ako sa lalaking 'to.

naiinis pa rin ako sa ginawa niya kahapon.

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon