. . . ⇢ 083 ˎˊ˗

233 23 0
                                    

━━ jasmine's.

literal akong nanigas mula sa kinatatayuan ko nang may biglang tumakip sa mga mata ko. pero kahit hindi ko alamin kung sino ito ay alam ko na agad base sa amoy ng pabango niya.

"now i found you, 'wag ka na ulit tatakbo. ayokong mawala ka na naman sa'kin." rinig kong bulong niya sa aking tainga.

and i swear, it did my heart flip at may kakaiba din akong naramdaman sa tiyan ko. it feels like; making weird twisting motions. ewan, mahirap ipaliwanag dahil ngayon ko lang naman naramdaman 'to.

dahan-dahan niyang tinanggal ang palad niya mula sa mga mata ko. napalingon ako sa kanya at ganun din siya, doon ay nagtama ang mga mata namin. napakurap-kurap ako.

ang mga mata niya, kasing ganda pa rin 'yon ng mga bituin.

matagal kaming nagkatitigan pero nang marealize ko kung gaano ka-awkward ang position namin ay kaagad akong lumayo sa kanya at ibinaling ang tingin sa iba. pansin ko na ganun din ang ginawa niya.

at ngayon nababalutan kami ng awkward silence. hiyang-hiya din ako sa totoo lang. gusto ko tumakbo pero parang tanga ng mga paa ko dahil tila nakadikit na ito sa kalsada at hindi ko na maigalaw pa.

lupa kainin mo na 'ko, now na!

pero hindi din nagtagal ang awkward silence na 'yon nang marinig ko siyang tumikhim. nilingon ko siya pero iniiwasan kong magtama ang mga mata namin dahil.. wala! basta, ayoko siyang tingnan ng diretso.

"uhm.. tara na?" rinig kong usal niya.

"s-saan ba tayo pupunta?" gusto ko sampalin ang sarili ko dahil sa pagkautal ko.

parang tanga lang, self?

nakita ko ang pag-ngiti niya at mukhang unti-unti na nawala ang awkward sa kanya pero sa akin hindi pa. aish, self, umayos ka nga. hindi ang tulad niya ang magpapatupi sayo ng ganyan.

"sa pet shelter?"

kung kanina para akong tanga na nakikipagtalo sa sarili ko ay ngayon, pakiramdam ko nagningning ang mga mata ko sa sinabi niya. otomatikong gumuhit ang ngiti sa akin, halatang excited.

"talaga!?"

he just chuckles and ruffles my hair. "yup-"

"ano pang hinihintay mo diyan? dalian mo!" hindi ko na pinatapos si heeseung at nauna na naglakad sa kanya.

nakita ko siyang tumawa lang saka sumunod sa akin. lihim akong napangiti at pasimple siyang sinulyapan na katabi kong naglalakad.

mukhang hindi naman masama ang pagsama ko sa kanya.

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon