Chapter 23

1.1K 39 0
                                    


--

Maniniwala na talaga ako na matik lang ang karma. Kung kanina ay nagagawa ko pang tumawa sa pananakot kay Jaid ngayon ay para akong ewan na hindi mapakali.

Kingina! Kinakabahan ako dahil napag alaman ko na puro bigatin ang bisita sa party na ito. Mga businessman, business partner, Jaid's relatives and friends even the employee of Jaid's company are invited! May mga kakilala naman ako pero iilan lang sila. Kaunti lang din ang naimbenta sa mga kaibigan ko dahil hindi naman ako pala salamuha noon kaya tanging si Jiel lang at ang squad ang kaibigan kong nandito. Sinabi din ni mommy na nandito ang ibang kamag anak namin. Ang iba ay sa kasal ko na makakadating dahil busy pa sa trabaho.

"What are you doing? Can you calm down and relax?"

"Paano ako kakalma kung ganito ang mga bisita? What if they don't want me as your wife? Paano kung husgahan nila ako?" He sighed. He held my hands and bring it to his lips and kiss it while staring at me..

"I really don't care about them. All I care about is you. Remember, you are my life and no one's gonna change that. So please stop over thinking and let them see how amazing you are"

"H-How?"

"Simple. Just be you and let them adore you but always remember that you are mine and If I see some things that will trigger my territorial side then you know what will happen" bipolar na nga ako dahil nawala lahat ng kaba ko at napalitan ng kilig dahil sa sinabi niya. He chuckled when he saw my reaction and put his hands around my waist and pulled me closer to him. Nasisinghot ko tuloy ang pabango niya dahil sa sobrang lapit namin sa isat-isa..

"Shall we?" huminga ako at pumikit. Pagka mulat ko ay tumingin ako sa kaniya at ngumiti..

"Let's go and show them what we got" pagbibiro ko pa na ikinatawa niya bago kami nag lakad papasok ng hotel na isa sa pag mamay-ari ng pamilya ko. Until now it's still didn't sink in my mind that I have a rich family kaya hindi ko pa din maiwasan ang magulat sa mga nangyayare lalo na sa kayamanin namin.

Nang mamataan kami ng media ay mabilis silang lumapit sa amin mabuti nalang at mabilis nakakilos ang mga tauhan ni Jaid. Pumalibot sila sa amin at ginawan kami ng daan para hindi dumugin ng media.

"Just wait for our speech later. I don't want my wife to get uncomfortable having the press around" napatingin ako sa seryosong saad ni Jaid sa media na nakapalibot sa amin. Mukha namang nasindak ang media kaya tumigil sila at bumalik sa kanilang pwesto.

"You okay?" nag aalalang tumingin siya sa akin kaya umiling ako at ngumiti.

"I'm fine. You look hot by the way" tumawa siya at kinindatan ako kaya sa huli ay pareho kaming natawa..nabitin naman sa ere ang tawa ko ng bigla niyang halikan ang aking labi para manlaki ang mata ko sa gulat "You look more gorgeous tonight. D-mn! You're turning me on again" namumutok sa pula ang pisnge ko kaya kinurot ko siya para matakpan ang nararamdaman.

Natigil lang kami ng may tumikhim kaya sabay kaming napatingin dito. Nakatayo ang aming mga magulang sa harapan at mukhang kanina pa kami pinapanuod. Nanunuksong tumingin sila mommy at tita Jane samantalang ang so Tito Evans ay sobrang laki ng ngisi sa mukha at mukhang ang tatay ko lang ang hindi natutuwa.

"Namimihasa ka ata bata. Dito mo pa talaga ginawa kahit alam mong nasa paligid lang ako" sobrang seryoso ng ama ko kaya napalunok ako at napatingin kay Jaid. Gusto ko siyang palakpakan dahil wala man lang takot na mababakas sa kaniya.

"I'm sorry sir but I can't get enough of your daughter. I can't stop myself wanting the feeling of her lips being pressed of mine. It's not my fault if your daughter is so beautiful enough to make me seduce and tempted" halos malaglag ang panga ko na nakatingin sa kaniya. What the f-ck?? Napapalunok akong lumingon sa aking ama para silipin kung ano ang reaksiyon niya but to my surprise I see him smiling while looking proud into something..

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now