Chapter 9: Relationship

911 31 5
                                    

"Hala! Anong oras na?" Napatingin ako sa relo ni Enzo at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong anong oras na.

"Esh... Akala ko ba alas-tres ang dismissal natin ngayon? Bakit meron si Ma'am Berta?" Nag-aalalang tanong ko.

He shrugged. "I thought so too..."

"Hala! Baka maiiwan tayo ng bus, nako paano na iyan?"

"Ehem! Miss Rivera, anong problema niyo diyan ni Mister Gile? May dapat ba kaming malaman?" May halong panunukso ang kanyang boses.

"Yiiee!"

"HAHAHA!"

"Edi wow."

"Sana all!"

Ang iba na ay nanunukso din. Ramdam kong uminit ang magkabilang pisngi ko, pakiramdam koy makakasampal ako sa kahihiyan.

Nakita ko sa harapan na lumingon sa akin si Miss Forenza at tiningnan ako ng masama pero si Willow at Keyshawn lang naman ay nanunuksong tumingin sa amin.

Cinoveran ko ang mukha ko saka nakangiting tumingin kay Enzo tapos ay nag-peace sign. "Sorry."

"Uh-huh." He smirked at me the reason why our classmates screamed because of thrill.

"Okay class, that's enough. We'll now move to our next activity. Don't mind those love birds at the back? Are they?"

"HAHAHAHA!"

"Yuck!" Jessamine Forenza shouted while leering. By the way, she's the leader of the girls who'd bully Willow last time and the girl who has a crush on Enzo.

"Don't worry Miss Jessamine, in the future you're man with also find you at the right time, so don't be jealous on Miss Rivera and Mister Gile."

Jessamine stood from her chair, fuming mad. "I didn't say that!" She shouted before leaving the class, now her sisters glared at our teacher also before going out to look after their sister.

"Okay. That was intense. Anyway let's not mind them, they're out of the class so it means they doesn't want to attend this class anymore. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi alas-tres ang dismissal niyo, well sorry kung hindi naibalita sa inyo na wala kayong klase sa Monday, whole-day dahil may pag-me-meetingan kami ng may-ari ng paaralan about sa paparating na ating triangular meet. Pero huwag kayong mag-alala dahil madidismiss kayo ng 5 p.m."

Bumuka ang bibig ko, magrereklamo na sana ako nang tumingin sa akin si Ma'am Berta.

"Oh it seems that Miss Rivera is worried of something, huh?"

"Ano daw?" Napatingin ako kay Enzo kasi parang hindi ko narinig ng husto ang sinabi ni Ma'am Berta.

Magsasalita na sana si Enzo nang naunang nagsalita si Ma'am Berta. "Oh. Mayroon kayong date?"

"Ah ma'am—" Napatayo ako kasi sobra naman ata panlalait ni ma'am, pakiramdam ko'y maiihi ako sa hiya. "Hindi po sa ganoon, iniisip ko lang po kasi na baka pwedeng—"

"Okay... Naaawa naman ako sainyo kung hindi matutuloy ang date niyo..." Huh? "Kaya huwag na kayong mag-alala, alam ko rim sainyo na maraming gustong makauwi agad kaya may ipapagawa nalang akong project about sa physics and chemistry."

"Hala!" Reaction ng mga kaklase ko.

I still can't believe that our teacher won't let me speak, she still believe that Enzo and I we're in a relationship.

"So ang kapartner niyo ay ang kaupo niyo. For example: Enzo and Mckenzie are partners for doing these Summary of Properties of Light."

Napatampal ako sa noo ko dahil mukhang hindi talaga titigil ang guro namin sa panunukso.

The Billionaire's Chief Secretary (Completed)Where stories live. Discover now