CHAPTER 36

386 57 0
                                    

Belle' POV

    Nabalitaan ko ang nangyari sa girlfriend ng kapatid ko which is si frances dahil yun lang naman ang girlfriend ni jaydee

Tumawag saakin si gabb kanina at sinabing nasa hospital daw si jaydee, Sasabihin ko na sana kay mommy pero sinabi ni gabb na binabantayan si frances

So ayun saka ko lang nalaman na si frances pala yung nasa hospital at binabantayan lang ni jaydee, Wala namang binabanggit samin si jaydee na may sakit si frances at ngayon ko lang nalaman dahil kakatapos lang namin mag usap ni gabb through video call

𝘉𝘦𝘭𝘭𝘦? 𝘋𝘰 𝘺𝘰𝘶 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘸𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘴𝘪𝘴𝘵𝘦𝘳 𝘪𝘴? 𝘈𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘰𝘳𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘶𝘮𝘶𝘶𝘸𝘪 𝘴𝘢𝘬𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘯𝘢 𝘱𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘨 𝘥𝘮 𝘴𝘢𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘥𝘪 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘨 𝘳𝘦𝘳𝘦𝘱𝘭𝘺! Sabi ni mommy na mukang kanina pa nag aantay sa pag dating ni jaydee

𝘑𝘢𝘺𝘥𝘦𝘦 𝘪𝘴 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘩𝘰𝘴𝘱𝘪𝘵𝘢𝘭 𝘱𝘰, 𝘉𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘯𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘪 𝘧𝘳𝘢𝘯𝘤𝘦𝘴 𝘢𝘵 𝘮𝘶𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘺𝘶𝘯 𝘶𝘶𝘸𝘪 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯! Mahinahong sabi ko kay mommy para hindi na siya mag antay kay jaydee saka para makatulog na rin siya, Mukang kanina pa nag aantay e

𝘕𝘢𝘴𝘢 𝘩𝘰𝘴𝘱𝘪𝘵𝘢𝘭 𝘴𝘪 𝘧𝘳𝘢𝘯𝘤𝘦𝘴? 𝘉𝘶𝘵 𝘸𝘩𝘺 𝘥𝘰𝘦𝘴𝘯'𝘵 𝘫𝘢𝘺𝘥𝘦𝘦 𝘵𝘦𝘭𝘭 𝘶𝘴? Tanong ni mommy habang hawak hawak ang phone niya

𝘑𝘢𝘺𝘥𝘦𝘦 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘢𝘭𝘴𝘰 𝘵𝘦𝘭𝘭 𝘶𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵, 𝘮𝘢𝘺𝘣𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘴𝘩𝘰𝘤𝘬𝘦𝘥 𝘣𝘺 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘦𝘯𝘦𝘥 𝘴𝘰 𝘴𝘩𝘦 𝘥𝘪𝘥𝘯'𝘵 𝘭𝘦𝘵 𝘶𝘴 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘧𝘪𝘳𝘴𝘵, Sabi ko

𝘉𝘵𝘸 𝘮𝘰𝘮 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘱𝘶𝘮𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘪 𝘦𝘤𝘬𝘢 𝘴𝘢 𝘩𝘰𝘴𝘱𝘪𝘵𝘢𝘭 𝘥𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘴𝘪 𝘧𝘳𝘢𝘯𝘤𝘦𝘴 𝘢𝘵 𝘥𝘢𝘥𝘢𝘭𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘳𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘯, Paalam ko at pumayag naman siya kaagad

Matapos niyang marinig ang mga sinasabi ko ay umalis na siya at agad pumunta sa kwarto niya, Matutulog na ata

Ako naman ay pumunta na sa kwarto ko dahil nandun si ecka, Isasama ko siya pag punta sa hospital para siya nalang ang driver ko

Nakarating na ako kaya binuksan ko na ang pinto, bumungad saakin si ecka na nonood kaya agad ko na siyang tinawag

𝘓𝘰𝘷𝘦! Tawag ko sakanya at agad naman siyang humarap

𝘞𝘩𝘺? Maikling tanong niya at ibinaling na ulit ang tingin sa kanyang pinapanood

𝘛𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘩𝘰𝘴𝘱𝘪𝘵𝘢𝘭, 𝘣𝘪𝘭𝘪𝘴𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘮𝘢𝘨 𝘱𝘢𝘭𝘪𝘵 𝘬𝘢 𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘮𝘪𝘵, Sabi ko na ipinagtaka niya

𝘏𝘰𝘴𝘱𝘪𝘵𝘢𝘭? 𝘈𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘥𝘶𝘯? 𝘎𝘢𝘣𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘢, Sabi niya habang patuloy parin sa panonood

Nainis na ako dahil tanong siya ng tanong kaya pinatay ko yung tv at napaharap naman siya sakin dahil sa ginawa ko

𝘗𝘶𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘬𝘢𝘺 𝘧𝘳𝘢𝘯𝘤𝘦𝘴 𝘥𝘢𝘥𝘢𝘭𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘰𝘥, Sabi ko

Until Your Last Breath (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now