Kabanata 12

72K 4.1K 4K
                                    

Kabanata 12

"He's back?" Yna echoed. Tumango naman ako bilang sagot.

He didn't even text me or even notify me. Pero sino ba naman ako para hilingin na gawin n'ya 'yon? I bet he won't even talk to me in personal even if I beg him to. And honestly, I don't blame him. Hindi ko siya masisisi.

"Ano'ng balak mo?" tanong n'ya habang ang mga mata ay lumilipad patungo sa mga racks sa department store kung nasaan kami.

"Hindi ko rin alam, I might say sorry but I doubt he would listen to me. Hindi rin naman biro 'yong pinag-awayan namin."

Yna wasn't aware about the sexual abuse that Etienne went through and even I wouldn't want to know the horrors that he had to suffer against the tutor. Ellise Soteiro, the saint of all Soteiros, scratched the tutor's face based on what CL told me. Of course, the Soteiros viewed this as a scandal and they wanted to bury this in their graves. At wala rin namang magsusumbong na mga kaklase ko dahil sa takot na makabangga ang isang malaking angkan.

"Hey? I'm sure Etienne would forgive you. Mababait naman ang mga Soteiro, si CL nga no'ng natapunan ko nga ng kape 'yong assignment n'ya na due date ay kinabukasan ay siya pa ang nag-sorry dahil napaso rin ako," Yna said.

That affirmed my feelings for a bit. Totoo nga naman na mababait ang mga Soteiro. Yet, kindness is not always present when hatred reigns. At alam ko naman na hindi imposible na galit sa akin si Etienne ngayon.

I'm not gonna fool myself that I wasn't afraid of Etienne's reaction. Etienne and CL are entirely different. Lalo na ngayon na may nangyaring hindi maganda sa amin. May hidwaan sa gitna namin. At alam ko na kasalanan ko kung bakit naging gano'n.

"Papasok na ako ng UJD bukas," sabi ko kay Yna na nagbabasa sa kan'yang cellphone.

It's the start of our school year. Mas kabado pa ako kay Etienne kumpara sa mga subjects na STEM. Mas kumplikado kasi si Etienne kumpara sa mga 'yon.

Tumango lang siya.

"Hindi mo ba ako sasamahan?"

"Busy ako," she shrugged off. And I lightly smacked her on her arm.

"Bakit ba? Di ka naman mawawala roon."

"Maliit lang ba ang school grounds? As far as I know, it's huge."

"Maliit lang 'yon, 'te. Promise! Kapag nawawala ka, tawagin mo lang si map." Halakhak n'ya.

Umirap ako sa naging sagot n'ya sa akin. Fine, I'll go by myself. Ngayon ko lang napagtantuan na magkikita ulit kami. I'll see him in flesh once again. Naninikip ang aking dibdib nang maalala ko ang nagsusumamong mga mata n'ya no'ng araw na 'yon. How broken he was when he heard those words from me.

Napalunok naman ako.

Kinabukasan, maaga ako'ng naghanda para sa pasukan. I didn't get enough sleep prolly because of anticipation and my nervousness. Sinuot kong muli ang mga pearls ko. It's my way of showing my confidence. Alam ko mukhang arogante pero hindi ko talaga kayang magsuot ng mga branded; so, these pearls would do for now, just to show that I am a Reverio.

Hinatid na ako ng driver namin. Pagkababa ko pa lamang ng kotse, kitang-kita ko na dagsa ang mga tao. Ang ilan sa kanila ay nagyayakapan o di kaya'y naga-akbayan. Some looked lost, probably a freshman or a new transferee.

Napa-buntonghininga ako. Alright, Lavender. You're on your own now.

"Thank you, manong." I bid my goodbye and tightly held on my bag. Walang sumalubong sa akin o ano. Yet, the eyes were piercing through me. Alam ko naman kung bakit at hindi na ako nanibago.

Bits of Chemistry | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon