. . . ⇢ 097 ˎˊ˗

255 21 1
                                    

━━ jasmine's.

"tumigil ka nga."

"aminin mo munang nagtatampo ka."

"hindi nga sabi."

"e bakit bigla kang nanahimik at hindi namamansin?"

hindi ako sumagot at tumayo lang para bumalik sa pwesto ko, ipagpapatuloy ang pagp-paint ko. ramdam ko naman ang pagsunod niya at ngayon nasa tabi ko na, nakaupo habang nakatitig pa sa akin na parang sira.

"mina.."

i froze. ramdam ko ang pagkabog ng malakas ng puso ko nang banggitin ni heeseung 'yon. it's been a while since i heard him calling me that name, 10 years ago pa 'yon at ngayong narinig ko mula sa kanya ang pangalang 'yon.. pakiramdam ko maiiyak ako.

"w-wait.. bakit ka umiiyak?"

napatingin ako kay heeseung nang sabihin niya 'yon. hinawakan ko ang pisngi ko at naramdaman ang basa dito. napakurap-kurap ako hanggang sa unti-unting magtama ang mga mata naming dalawa.

halos pigilan ko na ang paghinga ko nang maramdaman ko ang hinlalaki niya sa pisngi ko. dahan-dahan niyang pinupunasan ang basa sa pisngi ko dahilan para muli ko na namang maramdaman ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

hindi ko alam, bigla na lang akong nag-breakdown at sa mga oras na 'to sobrang bigat ng nararamdaman ko. pakiramdam ko lahat ng sakit na naramdaman ko noon, muling bumalik.

masakit.

"jasmine.."

"hee, sabihin mo.. naging mahalaga naman ako sa'yo, di'ba? trinesure mo pa rin yung memories natin, di'ba? naging mabuti naman akong kaibigan, di'ba? naging sapat naman ako-" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang marahan akong hawakan ni heeseung sa mukha saka malungkot na ngumiti.

"wala kang pagkukulang. sadyang.. kailangan ko lang umalis."

"p-pero bakit?" kumurap-kurap ako, mga luha'y sunod-sunod na nagsisibagsakan. "bakit ka nga ba biglang nang-iwan?"

pansin kong natigilan siya at agad umiwas ng tingin. nagtataka ko lang siyang tiningnan kasi bakit pakiramdam ko ayaw niyang sabihin sa akin ang rason? hindi ko ba deserve malaman ang totoo?

"kapag ba sinabi ko ang totoo.. hindi ka lalayo sa'kin?" mahinang usal niya, ngunit sapat lang 'yon para aking marinig.

ako naman ang hindi nakasagot. nakita ko ang pag ngiti niya ng tipid, makikita din ang pangangamba sa mga mata niya. halatang hindi pa siya ready sabihin ang totoo kaya naman napabuntong hininga ako.

"look, kung hindi ka pa ready okay lang-"

"alam mo ba 'yung feeling na natatakot ka?" natigilan ako nang biglang magsalita si heeseung, nakatingin siya sa akin ng diretso. "natatakot ka kasi alam mong masasaktan ka? ganun 'yung naramdaman ko ng mga panahon na 'yon, jas. sobra akong natakot kasi alam kong nahulog na 'ko at imbis na sumugal, lumayo ako."

nakikinig lang ako sa kanya, naguguluhan sa mga pinagsasabi niya. hanggang sa kunin niya ang kamay ko at hawakan 'yon ng mahigpit. parang kinurot naman ang puso ko nang makita ko ang likidong pumatak mula sa kanyang mga mata.

umiiyak siya..

gusto ko siya yakapin, sa totoo lang. gusto kong sabihin sa kanya na kung ano mang nararamdaman niya, nandito lang ako para damayan siya katulad ng dati sa tuwing lumalapit siya sa akin habang umiiyak dahil umalis na naman ang parents niya para magtrabaho sa ibang bansa.

gusto ko gawin 'yung mga bagay na ginagawa ko sa kanya noon pero alam ko namang hindi na pwede dahil madami na ring nangyari. may gap na sa pagitan namin at hindi na kami magiging close pa gaya ng dati.

"hee-" agad niya 'kong niyakap and i swear, parang gusto na kumawala ng puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito lalo na sa sunod nitong sinabi.

"nilayuan kita kasi ayokong masira ang friendship natin just because of my stupid feelings for you."

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon