. . . ⇢ 099 ˎˊ˗

205 18 2
                                    

━━ jasmine's.

napairap ako sa hangin, naiinis sa chinat niya. mukhang sinabi niya talaga 'yon para asarin ako e. well, effective naman dahil nainis ako pero hindi ibig sabihin non hahanap-hanapin ko ang presensya niya every after class!

akala ko pa naman maayos na after nang nangyari kanina. binibigyan ko na nga siya ng chance para maipakita niyang pinagsisisihan niya ang ginawa niyang pang-iiwan pero bakit kailangan niyang gawin 'to?

e paano nga kung may gagawin talaga siya ng 1 week?

aba, hindi niya man lang ba magawang dumaan sa amin kahit saglit? nakakamatay ba kung magpapakita siya sa akin kahit ilang segundo? busy man siya o hindi, kung gusto niya bumawi dapat gumawa siya ng way para iparamdam sa'kin na gusto niya makipag-ayos.

"malala ka na jasmine." nasabi ko na lang sa sarili ko.

nakahilata ako ngayon sa kama at nakatulala lang sa kisame, inaantay ang pagbagsak ng tae ng butiki— charot.

napabuntong hininga ako nang muling bumalik sa aking isipan ang mga sinabi niya. hindi ko na namalayang unti-unti na pala akong ngumingiti mag-isa sa hindi maipaliwanag na dahilan.

sabi niya, nilayuan niya 'ko kasi may feelings na siya sa akin noon at ayaw niyang masira ang friendship namin dahil doon?

so he liked me, huh?

"ANUBAAAAAAAAA!" hindi ko na maiwasang mapasigaw na parang baliw, hinahampas-hampas ang unan ko.

pero agad ding nawala ang ngiti sa akin nang may marealize ako. kung nilayuan niya 'ko noon dahil gusto niya 'ko.. ibig sabihin bumalik siya ngayon kasi wala na siyang feelings para sa akin at gusto niyang ibalik ang friendship na meron kami noon?

yeah, friendship.

teka, bakit mukhang disappointed ka self?

nagpakawala ako ng malalim na hininga at saka bumangon mula sa pagkakahilata. kinalma ko ang sarili ko at pinilit na kalimutan muna ang mga nangyari kanina.

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon