C64

940 111 6
                                    

Frances Pov

Nakaupo lang ako sa may buhanginan at pinagmamasdan yung iba kong mga kaibigan na nagsasaya sa ngayon, yung iba naliligo sa dagat yung iba naman ay naghahabulan na parang mga bata.

Nakatingin lang ako sa cellphone ko at inaantay yung tawag ni jaydee , dalawang oras pa lang na wala siya dito ay hinahanap hanap na agad siya ng aking mga mata.

"Queen!!! Ano makisabay ka naman sa amin oh! Lara tayo volleyball!" Aya naman ni coco na may dalang bola kasama niya si gabb ngayon pati sila ate brei at lara.

"Ayaw kong maglaro! Baka masapol pa ako ng bola na yan eh!" Rebat ko naman sa kanya pero ang totoo niyan gusto ko lang talaga antayin na mag message si jaydee.

I feel threatened lang na pupunta siya ngayon kay jie at makikipag usap ,like pwede naman nilang gawin yun sa mga susunod na araw at tsaka medyo curious ako kung bakit pinapauwi ng daddy niya si jaydee.

Nakwento niya naman na naging okay na sila medyo ng daddy niya at tsaka hindi na ganun kasama ang trato sa kanya di gaya nung dati.

"Here habang nag iisip ka inumin mo ito at ito din burger oh pampasigla sayo" sabi naman ni nile , naupo din siya sa may buhanginan at inabutan ako ng burger at tsaka tubig.

Nginitian ko naman siya dahil doon , kapansin pansin sa mga mata niya na malungkot siya pero hindi ko naman pwedeng tanungin siya kung anong problema niya kasi for sure hindi niya naman sasabihin sa akin.

"Salamat dito nile ah nag abala ka pa , bakit nga pala hindi ka nakikisabay doon sa kanila?" Turo ko kila daryll na nakasakay ngayon sa may mini bangka kasama nila laney , ashley at cole.

Sila amy at ate sheki pati ate alice naman ay gumagawa lang ng sand castle.

"Hmp gaya sayo wala ako sa mood sa ngayon , tsaka nanakit din katawan ko kaya mas mabuting manahimik na lamang ako sa isang tabi" nginitian niya ako ng mapait at napatingin ako sa kanya at aksidenteng nakita ang mga pasa niya sa may kamay na agad niya naman tinakpan.

Naka rushguard na kasi siya katulad ko ngayon, gusto ko kasi talagang lumangoy kaso nga baka kung saan pa ako mapadpad dahil dito sa iniisip ko.

"Tara doon tayo sa may swing nile ,  Mukhang mag eenjoy tayo doon , wala kasi tayong magawa rito." sabi ko sabay tayo at inabutan ko siya ng kamay.

I don't know kung ano ang nangyayari sa kanya but i just want to make her feel na nandito ako para sa kanya at handa siyang damayan sa mga pinagdadaanan niya.

Masikretong tao si nile pati yung iba naming mga kaibigan kahit nga din si coleen na bestfriend ko pero ganun talaga respeto nalang sa privacy na tinatawag.

Ayoko kasing mangulit,. Gusto ko yung sila mismo mag oopen up sa akin about something so that i can help them but kinakamusta ko naman sila.

"Masaya ako para sa inyo ni jaydee , I really hope na maging masaya na kayo at wala nang anumang tao ang sumira sainyo" sabi niya na ikinagulat ko deep inside pero hindi ko ipinahalata.

"Thank you nile! Sana nga , Anyway if may bumabagabag sayo don't be shy na mag open up sa akin ah? Always remember na I'll be here for you" Sabi ko sabay hawak sa may bandang balikat niya tumango lang naman siya sa akin at ngumiti ng mapait.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now