Chapter 84

1.6K 115 7
                                    


Mataas na ang araw nang nakarating na kami ng Azmar. Hindi pa man kami nakakababa ay tanaw ko ang mga nakahilerang mga bagong dating na mga barko na tingin ko ay mga maharlika at pamilyang imperyal ang sakay n'on. Hinahanap din ng aking paningin kung nakarating na ba ang mga Eryndor, ang Albelin at ang mag-amang Levanadel. Pero napansin ko din na mas marami pa yata ang kalahok ngayon kaysa noong pyesta ng pangangaso. Mayroon din akong nakitang mga pamilyar na family crest na nakaguhit sa mga layag nila na ngayon ay kasalukuyan na itong itinutupi. Hindi lang 'yon, napansin ko din ang mga lokal dito na nagkukumpulan sa isang direksyon, para bang inaabangan nila kung sino ang mga kalahok na sasali sa papalapit na paligsahan. Mayroon din sa kanila humihiyaw dahil sa kasiyahan. Okay, feel ko nasa Olympics na kami sa lagay na ito.

Rinig ko ang pag-aya sa akin ni Otis, sinasabi niya na kinakailangan na daw namin bumaba at naghihintay na daw ang karwahe na ipapahiram sa amin ng mismong pamilya na kasalukuyang namumuno sa bansa na ito. Hindi ako nag-alangan na tanggapin na kaniyang palad para alalayan niya ako habang pababa na kami ng barko. Nauna na din pala sina Emperador Audrick, Prinsipe Hadden at Prinsesa Eglantine doon.

Pero bakit mas lumakas ang ingay sa paligid nang lumabas at nakababa na kami ni Otis?

Agad ko iginala ang aking paningin sa paligid. Namataan ko na naririto na din ang mga Eryndor, Albelin at Levanadel. Agad kami nilapitan nina Calevi, Dilston, Cederic at Ceola. Kasama din nila sina Caldwell at Houstin! Dahil sa galak ko ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin sila kahit na alam ko ay kagulat-gulat ang ginagawa ko ngayon.

"Muli tayo nagkita-kita." bumungisngis ako nang matapos ko na silang yakapin. "Parang kailan lang."

Mahina silang tumawa. "Oo nga po, kamahalan. Pero masaya na rin kami dahil sumama kayo dito sa Azmar." wika ni Houstin.

"Mas masaya ako dahil hind kayo tumigil na sumali sa mga ganitong uri ng paligsahan." masigla kong sabi. Bumaling ako kay Dilston, napalitan ng pagtataka sa aking mukha nang mapansin ko na may kasama siyang babae. Isang mapaglarong ngisi ang umukit sa aking mukha. "At sino ang marikit na ito, Dilston?" kahit sa tono ng aking pananalita ay may halong pang-aasar pa.

"Ah! Siya si Charisse Kincade, isa siyang prinsesa mula sa Kaharian ng Faema." pakilala niya sa kaniyang kasama. Pero bakit mukhang pamilyar sa akin ang mukha ng babaeng kasama niya? Parang nakita ko na siya noon, hindi ko lang matandaan kung kailan.

"I-Ikinagagalak ko kayong makilala, mga kamahalan..." nahihiyang pagbati niya sa amin.

Muli ako sumulyap kay Dilston, hindi pa rin natatapos ang pang-aasar ko sa kaniya. "Iyon lang ang papakilala mo, Dilston? O sadyang nahihiya kang sabihin na nililigawan mo siya?"

Kita namin kung papaano siya namumula nang banggitin ko ang salitang ligaw. Agad siyang umiwas ng tingin. "Parang... Ganoon na nga." medyo binabaan pa niya ang kaniyang tono, okay nahihiya na nga siya. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang.

"Binabati kita, Dilston!" bulalas ni Otis. Walang sabi na inakbayan niya ang prinsipe ng Oloisean. "Sa wakas, nakahinga na ako ng maluwag, kahit papaano." talagang diniinan niya ang dalawang huling salita. Bumaling siya kay Calevi na nanahimik. "Ikaw kaya, kailan? Kailan ka magpapakilala ng isang binibini sa amin? Huwag mo nang ligawan, pakasalan mo na sa gayon ay makakatulog na ako nang mahimbing tuwing gabi."

Sumimangot si Calevi. "Hindi siya makakasama dahil may pagtatanghal siya." kumento niya.

"Pagtatanghal?" ulit ko pa. Unti-unti nanlalaki ang aking mga mata nang may napagtanto ako. "Huwag mong sabihing... Si Maria ang tinutukoy mo?!"

Tulad ni Dilston, namumula din ang mukha niya nang ilaglag ko kung sino ang napupusuan niya. "S-Siya nga."

Pumalakpak ako. "Sige, Calevi. Akitin mo pa si Maria, paniguradong bibigay 'yon!" saka humalakhak kami.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon