LXXVI

1.5K 125 45
                                    


ABELAINE TRINIDAD

"Gusto mo?" alok niya sa'kin.

Umiling naman ako. "Ang aga-aga 'yan agad kinakain mo." napailing pa ko. "Hindi ba sasakit tiyan mo diyan?"

Pano kasi, ang aga-aga chitchirya nilalantakan niya. Hindi pa nga ata kumain ng kanin ang gaga.

"Hindi naman. Sanay na sikmura ko." kibit balikat na sagot naman niya.

Napailing na lang akong muli. Grabe. Hindi ko kaya 'yon. Junk foods ang umagahan, yay. Tinatamad nga kong kumain kada umaga ee. Tamang kape lang ako.

"Kamusta naman lagay niya?" pag-iiba ko sa usapan.

She inhaled deeply. "Okay naman. Ganon parin."

Hindi ako sumagot. Tinuon ko lang ang pansin sa pagmamaneho. Makipot kasi ang daan, mahirap maka-usad.

"Ayaw parin niyang sumama sa'kin." baliwalang dagdag niya. "Para sa kanya, ang anak ay sakit sa ulo."

Napahinga ako ng malalim. Lagi kong sinasamahan si Dana sa tuwing dadalaw siya sa tatay niya. Nagkataon lang na inatake sa puso ang tatay niya ngayon kaya ganito kami kaaga pumunta dito.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pagod na pagod na kong pilitin siya." marahas pa siyang napabuntong hininga. "Hanggang ngayon kasi talaga, gulong-gulo parin ako. Ano bang dahilan niya at bakit ayaw niyang sumama sa'kin? May maayos naman akong bahay, maalagaan ko siya do'n habang nagre-review ako." she added and shooked her head. "Ayaw niya atang matulog sa kwarto na may aircon." biro pa niya sa huli.

Napatawa naman ako. "Patience is a virtue. Pasasan ba't lalambot din 'yan sayo."

She scratched her temple. "Nawa"

Napangiting napailing na lang ako. Natahimik na kaming dalawang pagkatapos nun. At hanggang ngayon, hirap na hirap parin kaming makalabas dito sa eskinita. Ang daming nadaan at ang sikip pa ng daan.

"Teka, si Cherprang 'yon diba?"

Kunot noong sumulyap ako sa tinuturo niya, para makita si Cherprang na matamang naghihintay sa waiting shed. Suot niya rin ang uniporme niya, mukhang may duty na.

"Tigilan mo. Bilis."

Napailing nalang ulit ako bago sundin ang gusto niya. Inihinto ko itong sasakyan sakto sa tapat niya.

"Baka naman gusto mong ibaba 'yang bintana mo, ano." saad pa niya.

Napatawa ako. Oo nga pala, sorry nakalimutan ko.

Mabilis ko namang binaba itong bintana ko para tuluyan naming makita si Cherprang, na seryosong nakatingin sa'min ngayon.

Minsan ang cute niya. Madalas nakakata-cute.

"Magandang umaga Binibini, papasok kana ba?" bati sa kanya nitong isa.

Saglit naman niya kong tiningnan bago ituon ang pansin kay Dana. "Oo. Nag-aabang ako ng traysikel."

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon