C65

894 122 12
                                    

Jaydee's Pov

Nakarating ako namin at ginabi na talaga ako , hawak hawak ko ang aking cellphone at akmang ititext na si frances na nakadating na ako nang biglang may yumakap sa akin.

Napalingon naman agad ako dahil doon at sa hindi inaasahang pagkakataon ay si jie ang nakita ko which is akala ko ay nasa bahay nila.

Di ko alam yung mararamdaman ko sa ngayon, may saya na nakita ko siya pero ang kalahati non ay galit.

"I'm sorry babi! Hindi ko talaga sinasadyang planuhin yun, patawarin mo na ako please" naiiyak na sabi noya habang nakayakap sa akin , tinanggal ko na iyon ng dahan dahan at hinarap ko siya.

"Jie anong ginagawa mo dito? Let's talk nalang later about this may sasabihin din ako sayo---" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko yung daddy ni jie sa may likuran nito.

"Oh iha andyan kana pala!" Saad ng daddy ni jie na ikinagulat ko , anong meron bakit sila nandito? At tsaka bakit ako pinapunta ni daddy?

"Uhm ano pong ginagawa niyo dito? May business meeting po ba kayo ni daddy?" Diretsong tanong ko sa kanya kaya napangiti ito sa akin , nagtataka ako at medyo kinakabahan sa magiging usapan na sinasabi ni dad.

"Jaydee tara nalang sa loob nang sa gayun ay mapaliwanag sa iyo ng dad mo ang lahat" sabi niya sa akin at inakbayan ako , Mukhang kakaiba yung kutob ko dito ah bakit parang may naamoy ako na something, argh sana naman hindi tama tong naiisip ko sa ngayon.

"Oh I'm glad that you're here na jaydee! So let's discuss this right now!" Masayang sabi ni dad anong ididiscuss na sinasabi niya? Parang may kakaiba kasi talaga at may masamang mangyayari feeling ko.

"Anong ididiscuss dad?" Nagtatakang aniya ko sa kanya saka naupo na sa may upuan , tumabi na din naman sa akin si Jie.

"Ahm about the company and wedding niyong dalawa ng anak ko hindi pa ba nasasabi sayo ng daddy mo yung tungkol dito?" Sabat naman ng daddy ni jie na ikinagulat ko yes nililigawan ko siya nakaraan but everything has come to an end nung may nalaman ako tungkol kay jie.

Napatayo ako bigla dahil doon at tinignan si dad na walang imik at nakatingin lang sa akin.

Bigla namang may nag notif sa cellphone ko at agad kong binuksan iyon , akmang lalabas na sana ako nang hawakan ako ni jie sa may braso.

"Dad una palang sinabi ko na sayo na sana wala ka nang gawing kagaya nito , Pasensya na  Mr. Matsumoto but nandito po ako at nais ko pong sabihin sa inyo na titigil na ako sa panliligaw kay jie , May iba na po akong napupusuan at sana maintindihan niyo po iyon" mabilis kong saad at tinanggal ang pagkakahawak sa akin ni jie na ngayon at naluluha na.

"This wedding will save lara sa fixed marriage nila with the smith company jaydee?! Would you still not agree with this? Sobrang close mo si lara and as well as Brei , eto na yung way mo para matulungan yung kaibigan mo at lalo na yung ate ng taong pinakamamahal mo" sabi ni dad napatigil naman ako sa paglalakad dahil doon, what? this can't make sense.

"Ano naman ang kinalaman ng mga Smith dito dad?! At kung pinapunta mo lang ako dahil dito pwes! Hinding hindi na ako magpapakita pa sayo dad! Akala ko nagbago kana pero eto ka parin pilit mong kinokontrol yung buhay ko!" Galit na galit na sigaw ko at lumabas na hinabol naman ako ni jie pero tuloy lang ako sa paglalakad ng diretso.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now