twenty one

108 12 0
                                    

Riki.

so ayun nga , pumayag ako sa gustong mangyari ni luna kahit na alam kong walang patutunguhan yon kasi wapakels si kuya ethan sa kanya . pero yon yung trip niya kaya sasakyan ko nalang . baka sabihin niyang parang others ako kapag di ako pumayag .

pero ako ang dehado dito diba mga pre ? kasi kahit maging sweet pa kami kapag nandyan si kuya eh fake naman kaya parang invalid din .. hindi lang 'parang' kundi , invalid talaga . saklap mga pre , pero pinasok ko na to kaya di na ako aatras . mga mahihinang nilalang lang yung umaatras .

natapos din yung debut ni luna pero may hinanakit siya kay kuya . pero si kuya I think masaya sa gabing yon .. siguro yung gabing din yon eh sinagot siya nung nililigawan niya kaya nakita namin silang nag kiss don . sanaol may jowa .

but about sa deal namin ni luna , she made it clear na we ain't pretending to be in a relationship .. it's just that , magiging sweet lang daw kami . ayaw niya lang siguro sa idea na magiging boyfriend niya ako pero okay lang , hindi naman gaanong masakit .. malayo sa bituka .

ewan ko kung pano niya mapapaselos sa ganun si kuya . parang kapatid lang naman turing non sa kanya . baka maging masaya pa si kuya nyan kasi close na kami ni luna .

" luna , bakit ka nandito ? " tanong ko sa kanya nang makita ko siya sa sala eh ang aga aga pa .

napatingin naman siya sakin at ngumiti nang bahagya . diko alam if totoong masaya siya na nakita ako o peke yung ngiti niya .

" hi riki ! good morning !" sabi pa niya . luhh , feeling close

" good morning din ?? bakit ka nandito , sabe ko " pag uulit ko sa tanong ko kanina .

" I just want to visit you .. masama ba ? we're friends naman diba ?" ngii , parang kailan lang , tinatarayan niya ko tas biglang bait siya ngayon .. iba na talaga kapag may kailangan ka .

" ah , ganon ba ? friends pala tayo ? sorry , hindi ako nainform-- ah ! friends with benefits pala " I said and parang nagulat pa siya at napatingin sa mga kasambahay na naglilinis ngayon .

" hoy ! you're making it sound weird . baka kung anong isipin ng iba .. " siya lang naman nag iisip ng weird . totoo namang with benefits yon kasi may kailangan siya . kung wala naman eh di naman yon namamansin lagi tsaka nagsusungit pa . akala mo naman sobrang ganda niya . pero totoo , maganda talaga siya huhu

" mas weird ka , ang aga pa tas nandito kana . hindi yan gawain ng isang matinong babae !" napataas naman ang isang kilay niya . oh sabe sa inyo , suplada talaga to .

" as I said nga , I want to visit you .. bakit kaba nagrereklamo dyan ? ayaw mo ba akong makita ?" visit me daw pero si kuya naman talaga yung pakay niya . wala na luna , buking kana

" oo na , kunyare naniniwala akong ako talaga pinuntasjxndkslsls " tinakpan niya yung bibig ko ko gamit ang kamay niya kaya diko natapos ng maayos ang sasabihin ko .

" ano ba yan , ang alat ng kamay mo . galing kaba sa banyo ? di ka naghugas noh !?"  bintang ko sa kaniya pero di naman talaga maalat yon .

" how dare you ?! kaka sanitize ko lang kaya . at di ako galing ng banyo noh .. imbento ka na naman " inis niyang sagot sakin kaya tumawa ako . sakto namang lumabas din si kuya mula sa kwarto niya kay napatingin si luna sa kanya .

ayan na ang totoong pakay niya dito , hayyss ..



-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon